^

Pang Movies

Kaya nawalan ng boses, Heart 100% ang ibinigay sa asawa!

Jun Nardo - Pang-masa

Larawan ng one happy married couple ang mag-asawang Senator Chiz at Heart Escudero nang magbigay sila ng pasasalamat sa kaibigan sa media nu’ng Miyerkules ng gabi sa 77 Sct. Limbaga restaurant.

Kahit halos kapwa wala nang boses, hindi pa rin nila alintana ang nararamdaman sa nais nilang makapiling ang kaibigan sa media.

Eh 87 days na kasing nangangampanya si Chiz kaya naman daw, ang maka­tulog ang unang-una niyang gagawin after ng campaign niya na kumakandidato bilang Vice President ni Sen. Grace Poe.

“Marami-rami ‘yung babawiin kong tulog. Panga­lawa, matutulog pa rin po eh,” saad ni Sen. Escudero.

“Actually, mostly, isang oras lang ang tulog niya sa tatlo-apat na oras sana. Kasi marami siyang mee­ting sa bahay. So matatapos siya ng one thirty (am) at magigising siya ng three (am),” sabi naman ni Heart.

Nagbigay-paliwanag din ang vice presidentiable sa isyung kumalat na sinuntok siya ni Neil Llamanzares na asawa ni Sen. Grace Poe.

“Hindi ko rin alam kung saan nanggaling ‘yon. Walang katotohanan whatsoever ‘yon. Magkumpare kami ni Neil.

 “Kami ni Sen. Grace, napakarami nang pinag­daanan. Napakaraming nalampasan at ang pamilya na namin siguro ang pinaka-close sa lahat ng magka-tandem!

“Buti na lang, ‘yon ang sinasabi nila kesa sabihin nilang magnanakaw kami. O palpak o bobo kami. At least, ‘yung isyung pinalalabas nila, maliwanag at makatotohan. Hindi ako naka-shades at wala akong black eye! Kahit sigawan, wala!

“We get along so good. Perfectly well. Bahagi lang ng eleksyon. Parang showbiz lang. Pag may pelikula, maraming issues na lumalabas. Sa pulitika, pag may eleksyon, maraming issues na lumalabas!” paliwanag ng senador.

Teka, tinawag ba nila ang partido nilang Galing at Puso dahil sa asawa niyang si Heart?

“Hindi po! Hindi po. Grace at that time was the only female or woman running for president. Puro lalaki ang makakalaban niya. So contrast po ‘yon sa kumakandidato. Late na nag-declare si Sen. Miriam ng kanyang kandidatura.

“‘Yung Partido Galing at Puso, that’s PGP. That’s to stand for President Grace Poe kaya Partido Galing at Puso ang aming pinangalan,” rason ng senador.

Sa kampanya, nabuksan ang mga mata ni Heart na maging aware sa mga nangyayari sa lahat.

“It will really eat young kung i-involve mo masyado ang sarili mo. So ako, si Chiz, kahit nasa politics siya, pagdating niya sa bahay, normal lang kami. Happy, happy lang.

“Kasi kung ‘yun din ang pinuproblema ninyo sa bahay, pinag-uusapan ninyo. Nakakabaliw, ‘di ba? So ‘yon. Just live your life, you do your part. You give your 100 percent kahit mapaos ka na kasasalita at kasisigaw!

“Pero at least, at the end of the day, binigay mo ‘yung 100 percent mo. ‘Yun lang siguro ang natutunan ko. Saka grabe pala talaga ang politics!” sagot ni Heart.

“Sino ba naman ang hindi matutuwa? Galing ka sa trabaho, galing ka sa init ng araw, galing ka sa sakit ng ulo, siyempre ang uuwian mo, ganyan, eh di nakangiti ka! Ha! Ha! ha!” patungkol ng senador sa asawa.

“Sorry na lang sa iba na hindi ganyan ang inuuwian! Ha! Ha! Ha!” bulalas ng VP candidate.

Nagpasalamat din si Sen. Chiz sa suporta ng Albay Governor Joey Salceda sa kanila ni Sen. Poe.  Dahil na rin ‘yon sa ipinangako nilang expressway papuntang Bicol, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with