^

Pang Movies

Chiz at Heart sunud-sunod ang gagawing baby

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nagpa-practice nang gumawa ng baby sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista dahil desidido na raw talaga silang magkaroon ng anak next year.

“Early next year, we want a baby by next year, sa 2017, tapos sa 2018 ulit, tapos sa 2019 ulit,” pagbibiro ni Sen. Chiz sa thanksgiving dinner na idinaos nilang mag-asawa for the entertainment press last Wednesday night.

Kinontra ito agad ni Heart at tawa naman nang tawa si Sen. Chiz sa reaksyon ng misis.

When asked kung ano ang masasabi ng senador sa role ni Heart sa kanyang bagong serye sa GMA 7 na Juan Happy Love Story, aniya ay parang hindi raw ito ang Heart na kakilala niya since may pagka-naughty nga ang role ng aktres dito.

“Ang hamon sa kanya kung paano niya gawin at kung gagawin niya ‘yan sa tunay na buhay o hindi,” he said.

Ano ang masasabi niya na mayroong mga kissing scenes si Heart with Dennis Trillo sa nasabing serye?

“’Yung mga nakaraan niyang pelikula, tuwing darating na sa puntong may kissing scene na, para kaming mga batang tinatakpan niya ‘yung mata ko kaya wala pa akong nakikita hanggang ngayon.”

Say pa ni senator, sinusubukan nga raw niyang i-search sa YouTube minsan at pagbubuking ni Heart, “minsan? Lagi kang nagse-search sa YouTube”.

Tanggap naman daw niya ang trabaho ng kanyang misis.

“Masuwerte lang siya, hindi kasama ng trabaho ko ang makipaghalikan, masuwerte siya, hindi rin kasama ng trabaho ko ang makipagyakapan. Pero bahagi ng trabaho niya ‘yun at nauunawaan ko ‘yun. Hindi naman ako seloso, eh,” say pa niya.

Hindi rin daw kailangang magpaalam ni Heart if ever na may ganoong eksena.

Pagkatapos ng eleksyon ay nagbabalak ding mag-honeymoon muli ang mag-asawa pero say nga ni Sen.Chiz, si Heart daw ang dapat tanungin dahil ito ang may teleserye pagkatapos ng eleksyon.

 Sharon aminado sa mga taong nasayang dahil sa katabaan

Ayon kay Sharon Cuneta, sobrang excited na siya to go back to work both in TV and in movies. In fact, naghanda raw siya talaga para sa mga proyektong gagawin niya at nagpapapayat nang husto.

“After I shot my Lucky Me commercial, nag-start na ako dahan-dahan (na magpapayat) kasi excited na ako dahil may movie na, tapos, may show na, saka iba pang sorpresa this year,” say ni Megastar nang makausap namin siya sa thanksgiving dinner nila ng asawang si Sen. Kiko Pangilinan sponsored by Angeli Pangilinan-Valenciano na ginanap din last Wednesday night.

Matatandaang kinumpirma na ni Shawie in her recent interview sa ABS-CBN na magiging coach siya ng 3rd season ng The Voice Kids replacing Sarah Geronimo. Hindi pa niya nire-reveal kung ano ang movie na gagawin niya but she confirmed na meron.

Thirty-six pounds na raw ang nawala sa kanya at talagang decided siya to lose more.

“Kasi sabi ko, when will I do it, pag 60 na ako, 55? I wasted so many years, let’s do it na lang coz I’m excited na. Nakaka-miss na rin, eh, mag-shooting. Iba ‘yung TV sa pelikula.”

Nakatulong nga rin daw siguro sa pag-lose niya ng weight ang pagsama sa kampanya ni Sen. Kiko na tumatakbong muling senador ng ating bansa.

“Isa pa ‘yun, family bonding na rin at nakatulong din sa diyeta,” she said laughing, “minsan, wala nang kain, tulog na lang sa pagod.”

Nitong last stage kasi ng campaign ay sumama na sina Sharon and kids kay Sen. Kiko sa pag-iikot.

“Kasi, ‘yung first 75-80 days (ng campaign),” kwento ni Sen. Kiko, “eh araw-araw iniiwan ko sila sa bahay, sila ‘yung naiiwan, ako’y mag-isa, eh nakaka-miss din. Pati ‘yung mga anak ko, nag-a-adjust.

“Eh sabi ko, after a while, “isama ko na para hindi ko na ma-miss”.

Singit naman ni Mega, “sabi ko, 83 days siyang nagkampanya, ‘yung last 7 days, sali na kami.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with