^

Pang Movies

Startalk pinagsisisihang pinagpahinga sa ere?!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang Caught In The Act new show ng GMA 7. Ang nabanggit na show ang papalit sa CelebriTV nina AiAi delas Alas, Lolit Solis, at Joey de Leon.

Less than a year sa ere ang nasabing show na pumalit sa Startalk. Sana nga raw ay hindi na lang inalis ang Startalk at baka mas tumagal pa ito.

Anyway, sina Betong Sumaya at Sheena Halili ang maghu-host ng Caught In The Act.

Richard bitbit ang mag-ina pa-Cebu para bumoto

Sina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, at Zion sa Cebu ngayong araw na ito.

Nag-taping pa para sa Ang Panday ng TV5 si Richard noong Martes at kahapon, kaya ngayon lang sila matutuloy papuntang Cebu.

Hanggang sa May 10 na sila roon dahil sa May 11 pa naman ang resume ng taping ng Ang Panday.

Bukod sa bakasyon, kukunan sila roon ng crew ng It Takes Gutz to be a Gutierrez para sa 4th season ng kanilang reality TV series under E! international channel. Doon din bumoboto ang pamilya Gutierrez.

Kris at Lovi parehong mag-o-Oryang

Marami ang nagtatanong kung si Kris Bernal na ba talaga ang gaganap sa Oryang at out na si Lovi Poe?

Ang Oryang ay ang character sa pelikulang Lakambini. Si Oryang ay si Gregoria de Jesus. May lumabas kasing balita na si Kris Bernal na ang gaganap na si Oryang. Ayon naman kay Leo Dominguez na manager ni Lovi, magkaibang proyekto ang kay Lovi at kay Kris.

‘Yung kay Lovi ay pelikula at ang kay Kris ay TV series naman.

Dapat lang Tina Paner ayaw nang pakialaman ng ina

Si Daisy Romualdez ang inusisa ko tungkol sa tsikang magkarelasyon na uli ang anak niyang si Tina Paner at Ramon Christopher. Pero wala raw siyang alam.

May mga balita raw na nakakarating sa kanya, pero hindi na niya tinatanong si Tina. Madalas daw na nagsu-show sina Tina at Monching at si Pilita Corrales pa nga na nanay ng aktor ang gumagawa ng minus one ng mga kinakanta ng dalawa.

“Madalas nga si Bisaya (Annabelle Rama) ang nagkukuwento sa akin ng mga balita tungkol kina Tina at Monching.

“Pero ilang taon na naman si Tina, kaya hindi na ako nakikialam sa kanila. Kung maligaya sila, maligaya na rin ako,” pahayag ni Tita Daisy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with