^

Pang Movies

Mas gustong rumaket ng magdamagan, Iza hindi pabor sa ginawa ng DOLE!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang pinag-uusapan noong isang araw ay iyong pelikulang My Candidate, na pinangungunahan ni Derek Ramsey, Shaina Magdayao, at Iza Calzado.

Timely sana dahil sa eleksiyon, pero ipalalabas iyon dalawang araw pagkatapos ng eleksiyon. Hindi naman daw kasi iyong eleksiyon talaga ang target nila kung di ang kuwento tungkol sa mga karaniwang nangyayari kung may eleksiyon.

Sa pelikula, si Derek ay isang congressman na may ambisyong maging senador.

Pero habang tumatakbo ang usapan tungkol sa pelikula, ang nakatawag ng aming pansin ay ang naging statement ni Iza Calzado tungkol sa pinalabas na circular ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagtatakda ng walo hanggang labindalawang oras na trabaho lamang para sa mga artista at iba pang manggagawa sa pelikula at telebisyon.

Ang sinasabi ni Iza, kung ipipilit daw nila iyon, baka dahil doon ay wala namang kumuha sa kanila sa trabaho. Mas mahihirapan sila. Iyan naman ang dahilan kung bakit hindi naipatupad iyan noong araw pa. Kung ipipilit ng isang artista o sino mang manggagawa iyang limitasyon sa oras, walang kukuha sa kanila at lalo silang magugutom.

Palagay namin, hindi talaga masusunod iyan at lalabagin lamang ang circular na iyan dahil papayag din naman ang mga manggagawa kaysa sa mawalan sila ng trabaho.

Kung napansin ninyo, ang ABS-CBN, ay nagharap na ng TRO sa Quezon City Regional Trial Court para pigilin ang pagpapatupad ng kautusang iyan na sinasabi nilang minadali ng DOLE at hindi nakonsulta ang mga network.

Break up ni Zsa Zsa sa arkitekto, mabigat ang rason?!

Talk of the town ngayon ang paghihiwalay nina Zsa Zsa Padilla at ang boyfriend niyang si Conrad Onglao. Noong nakaraang taon lang nila inamin ang kanilang relasyon, at nagsabing magpapakasal sila sa taong ito. Nagsama na rin sila sa iisang bubong.

Pero talagang nakakagulat nang maglabasan ang mga balita na split na sila, at si Zsa Zsa daw ay nagbalik na sa dating tahanan sa Marina kung saan sila nagsama ni Mang Dolphy, at kung saan naninirahan pa ang kanilang mga anak hanggang ngayon.

Maraming ispekulasyon kung bakit nagkaroon ng paghihiwalayan, pero huwag na nating kalikutin pa iyon.

Nakakailan na TV network magkakaroon na naman ng major shake up!

Magkakaroon na naman daw ng isang “major shake up” sa isang television network. Sinasabi ng ilang insiders na ang dahilan daw ay ang disappointment dahil sa mga hindi nangyaring projection nila sa magiging ratings at kita ng ilang shows na ginagawa ng network. Inaasahan nilang makakatulong iyon sa kanilang national sales, pero hindi pala.

Kanya-kanyang diskarte iyan eh. Kung sa tingin ba nila hindi productive ang isang diskarte nila, natural lang na magpalit sila ng diskarte. Malaking puhunan din naman ang ginagamit sa isang television network at hindi biru-biro iyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with