^

Pang Movies

Sandata ni ‘Isko’ ginagamit ng mga kalaban!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bago pa nagsimula ang presscon niya kahapon para sa entertainment press, nakasalubong at nakatsikahan ko na sa labas ng Annabel’s Restaurant ang senatoriable na si Isko Moreno.

Ipinakita ko kay Isko ang isang Facebook account na nagpapa-add sa akin na gamit ang sexy pictures ni Isko noong nasa Seiko Films pa siya. Naka-trunks lang si Isko sa mga picture na ‘yon.

Ayon kay Isko, tuwing eleksyon na lang ay may gumagawa sa kanya ng ganoon.

Noon ding una siyang kumandidatong vice mayor ng Manila, may ganoon ding kumalat na pictures pero obviously hindi nakaapekto dahil nanalo naman siya.

Ngayong kumakandidato siyang senador, ginagamit na naman ang kanyang sexy pictures.

May nakalagay pa roon na “Pambansang ulam sa senado ng Pilipinas… Kanin pa more!!!”

Pero mukhang hindi naman siya affected. “May karma naman,” sabi niya.

Anyway, sabi ko kay Isko, in fairness, ang cute pa rin niya sa mga picture na ‘yon kahit na naka-trunks lang siya at obvious ang kanyang “hidden asset”.

Nakakabilib kausap si Isko dahil ang tali-talino niyang kausap. Bagay nga lang na mag-ambisyon siyang senador!

Oo nga pala, dahil patapos na ang kampanya, halos wala nang tulugan si Isko!

Para raw mas makatotohanan

Aktor na nakapag-aral ng acting sa ibang bansa, naging kadiri pati kotse dahil sa role

Pagkatapos mag-aral ng akting sa ibang bansa, kakaiba na ang aktor na bida sa blind item natin ngayon.

Kakaiba na rin daw ang mga kaartehan niya nga­yon sa set ng bago niyang teleserye.

Ang role kasi ni aktor ay parang nagpabaya sa sarili, kaya may karumihan ang kanyang hitsura.

Pero masyado raw ‘yun dinidibdib ‘yon ni aktor at para mas ma-feel daw niya ang kanyang mga eksena sa bagong show, talagang marumi raw ang hitsura ni aktor.

At hindi lang daw damit ng aktor ang obvious na marumi. Pati ang sasakyan daw ni aktor, marumi rin.

“Parang ang weird-weird naman no’n, para lang mas maging effective siya sa kanyang role, talagang nagkikilos at ayos marumi rin siya?! Ayoko naman ng ganoon, parang kadiri, huh!” reaksyon ng isang entertainment columnist/talent manager nang malamang may ganoong “drama” ngayon si aktor.

“Parang mas mandidiri naman ako sa kanya kesa bumilib. Yuck!” sey pa ni entertainment columnist/talent manager saka tawa nang tawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with