^

Pang Movies

Heart nabitin sa honeymoon!

Jun Nardo - Pang-masa

Sobrang nailang si Heart Evangelista sa mahaharot na eksena nila ni Dennis Trillo sa naughty rom-com nilang Juan Happy Love Story. Ibang-iba kasi ang role ng Kapuso actress na sumabak sa landian eh, hindi ‘yon ang image niya sa showbiz mula nagsimula hanggang ngayon.

“Ako, sobrang ilang! Si Dennis, relax lang siya! Hindi naman ako gumagawa ng rom-com.

“Nailang ako kasi first time akong nagkaroon ng ganitong show. Ibang klase talaga dahil first time kong ipakita ang naughty side ko.

“But after a while, normal na siya. Kasi parang paulit-ulit na lang!  Ha! Ha! Ha!” sambit ni Heart.

“Sa umpisa talaga, may ilangan. Lalo na’t medyo naughty ‘yung ginagawa naming eksena. First time naming ginawa ‘yon ni Heart sa isang primetime show. Nandoon ‘yung konting ilangan pero nasanay na kami dahil marami kaming eksenang ganoon,” saad naman ni Dennis.

Buti pumayag si Heart sa maraming kissing scenes?

“Okey lang! Ha! Ha! Ha! Eh kasi, you know, you’re only young once, di ba? After this, hindi ko alam kung ano ang plano ko sa buhay. Hindi ko alam kung mag-aanak ako or anything.

“Inisip ko na might as well enjoy and habang bata pa, gawin ang puwedeng gawin. Then move on, in case!” rason ng Kapuso actress.

Kung enjoy si Heart sa taping, super-enjoy rin siya sa ginagawang kampanya para sa asawang si Sen. Chiz Escudero. Kung dati ay takot siyang sumakay ng eroplano, ngayon ay nawala na ang takot niyang ‘yon at enjoy ‘yung halos araw-araw eh sumasakay ng airplane.

Itinanggi naman niya ang tsismis na sinuntok si Sen. Chiz ng asawa ni Sen. Grace Poe.

“Walang ganoon! Eh, di sana may black eye siya!” sagot niya.

Hindi rin siya nababahala kung bumababa sa surveys ng VP ang asawa.

“If it’s your destiny, it will, Kung para sa ‘yo, ibibigay sa ‘yo. Basta you gave your best and your 100 per cent! Eh, ilang araw na lang, marami pang tsismis na ilalabas.

“Basta kami ni Chiz, tuloy lang ang buhay. Masaya kaming dalawa at after ng elections, pag-uusapan naman namin ang aming buhay! Wala pa nga kaming honeymoon!” saad pa ni Heart.

Sa darating na Mayo 9, pupunta si Heart sa Sorsogon para doon bumoto. Then, taping uli siya ng JHLS na mapapanood na sa May 16.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with