^

Pang Movies

Rufa Mae may coverage ng kanyang kasal sa social media

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Excited na si Rufa Mae Quinto para sa kanyang nalalapit na kasal sa kanyang fiancé na si Trevvor Magallanes.

Panay ang post ni Rufa Mae ng mga nagaganap sa pag-asikaso nila ng kanilang wedding. Hands-on din ang Kapuso comedienne sa mga iba’t ibang detalye ng kanyang wedding kahit na meron siyang team of wedding coordinators.

Nitong huling post ni Rufa Mae ay ang magiging wedding gown na niya ang topic.

Ang designer na si Pepsi Herrera ang gagawa ng wedding gown ni Rufa Mae at pinakita ngang sinusukatan na siya.

Anak-anakan ni Vic, bumalik sa dating bahay

Maganda ang pagbabalik sa GMA 7 ng dating child actress na si Isabella de Leon.

Isabelle de Leon na ang gamit na pangalan ng dating anak-anakan ni Vic Sotto sa 2001 sitcom na Daddy Di Do Du.

Kasama si Isabelle sa cast ng teleserye na Magkaibang Mundo kung saan bida sina Louise delos Reyes at Juancho Trivino.

Naaala rin si Isabelle sa mga ginawa niyang mga pelikula tulad ng Ano Bang Meron Ka?, Super B, Bahay Ni Lola, Sanib, Santa-Santita at Magnifico kunsaan nanalo siya bilang FAMAS Best Child Actress in 2004.

Nagkaroon din ng sarili niyang album si Isabelle at huli siyang napanood sa TV5 series na Trenderas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with