^

Pang Movies

Tinalbugan ang mga nag-audition Arci Muñoz lilipad na bilang Darna

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang tsikang si Arci Muñoz na raw ang napili ng Star Cinema para guma­nap sa muling pagsasapelikula ng Darna.

Wala pa namang official announcement tungkol dito.

Pero true ba na sinabihan na si Arci?

Biglang sumikat si Arci dahil sa break na ibinigay sa kanya ng Kapamilya network sa tele­seryeng Pasion de Amor.

Mas umingay pa ang pa­nga­lan ni Arci nang magbida siya opposite Gerald Anderson sa pelikulang Always Be My Maybe ng Star Cinema.

Maraming magagandang feedback sa balitang si Arci na ang bagong Darna.

Bagay raw si Arci na gumanap na Darna dahil sexy talaga siya.

Nagsimula ang showbiz career ni Arci nang sumali siya sa Starstruck ng GMA 7 hanggang sa lumipat siya sa TV5 at magbida sa ilang teleserye.

Nang lumipat sa ABS-CBN, nag­bida kaagad si Arci sa Pasion de Amor at “introducing” uli ang billing niya roon.

Dyowa nina Georgina, Solenn, at Isabelle, mayaman na artistahin pa

Sa It girls na sina Georgina Wilson, Solenn Heussaff, at Isabelle Daza, ang anak ni Gloria Diaz ang huling magpapakasal, pero “sukob” pa rin sila ng taon.

After Georgina Wilson na nagpakasal na noong April 30 sa Winchester, England, si Solenn ang susunod dahil third week of May na ang kasal niya at magaganap ‘yon sa Paris, France at panghuli naman si Isabelle dahil sa buwan pa siya ng September.

Kung guwapo ang mister ni Georgina na si Arthur Peter Geoffrey Burnand, aba, guwapo rin ang fiancé ni Solenn na si Nico Bolzico at hindi rin patatalbog sa kanila ang fiancé ni Isabelle na si Ad­rien Semblat.

Actually, puwedeng mag-artista sina Arthur, Nico at Adrien, pero mukhang pare-parehong ayaw ng mga ito na i-try ang showbiz.

Sunshine at Cesar, imposibleng magkaayos!

Parang imposible talaga na maging magkaibigan ang estranged couple na sina Sunshine Cruz at Cesar Montano.

Issue na naman ngayon ang pag-post ni Cesar Montano sa kanyang social media accounts ng mga tseke na patunay na siya ang nagbayad ng 2016 tuition fees ng tatlo niyang mga anak kay Sunshine.

Sabi naman ng kampo ni Cesar, ginawa raw ‘yon ng aktor dahil palaging lumalabas na hindi siya nagsusuporta sa mga pangangailangan ng tatlong anak na babae, lalo na sa tuition fees ng mga ito.

May iba namang mga nagkokomento na hindi na dapat ginawa ‘yon ni Cesar dahil obligasyon naman talaga niya ‘yon sa kanyang mga anak.

Ang common friends naman nina Sunshine at Cesar ay umaasang darating din ang panahon na matatapos na ang mga issue sa kanila at kung hindi man sila maging magkaibigan uli ay maging civil man lang sila sa isa’t isa.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with