^

Pang Movies

Alden at Maine, hindi na maawat

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sana naman naman tama na ‘yung mga pralalang lumalabas na hindi kailangan ni Derrick Monastero si Maine Mendoza. Para kasing very ungentleman pakinggan, eh.

Wala rin naman kasing sinasabi si Maine na kailangan niya ang actor and besides, hindi na maawat pa ang pagkakagustuhan nina Alden Richards at Maine.

Biglang-yaman ang dalawa dahil sa mga produktong kanilang iniendorso.

Napatunayang makamandag talaga ang karisma ng dalawa. Imagine, nailaglag nila ang mga artistang namayagpag din minsan at yumaman dahil sa kabayaran sa bawat produktong kumukuha sa kanila.

Hindi talaga mag-iiwanan sina Maine at Alden dahil kailangan nila ang isa’t isa.

Pista ng Baliuag, mas masaya

Sa ikawalo ng Mayo ay magiging masaya ang kapistahan ng Baliuag, Bulacan. Magkakaroon ng events at street dancing ang mga imbitadong mananayaw galing sa iba’t ibang bayan ng Bulacan.

Ikalawang taon na ito bilang pangulo si Jorge Allan Tengco, opisyal ng Baliuag tourism at katuwang ang Parish Priest na si Fr. Andy Valera.

Last year, ang naging bisita ay sina Joross Gamboa, Jason Abalos, at marami pang iba.

Mga mananalong artista sa eleksyon inaabangan na

Sinu-sino kaya sa mga tumatakbong artista ang mananalo this coming 2016 election?

Sinasabing ang pulitika ang huling baraha ng mga kumakandidatong artista na pwede pang makita at malapitan lalo’t hindi na sila napapanood sa pelikula.

Tumatakbong mayor ng Angeles City ang dating senador na si Lito Lapid.

Sa pagka-senador, nariyan sina Alma Moreno, Edu Manzano, at Isko Moreno.

Congressman sa Quezon City si Alfred Vargas at sa Maynila naman si Yul Servo, Dan Fernandez sa Sta. Rosa, Laguna.

Good luck din sa iba pang mga artistang kumakandidato na sina Andrea del Rosario, Abel Acosta, Zenith Briones, Monsour del Rosario, Zander Khan, Jason Abalos, Dingdong Avanzado, at Manila mayor Joseph Estrada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with