^

Pang Movies

Reyna pa rin ng pagmamaldita Jean masayang hindi napantayan nina Jodi at Angelica

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – “Nakakataba ng puso” ang unang naisagot ni Jean Garcia sa mga obserbasyon ng iba na hindi raw napantanyan nina Jodi Sta. Maria at Angelica Panganiban ang ang pagtataray sa Pangako Sa ‘Yo.

Pero sabi ni Jean ay nag-effort naman daw sina Jodi at Angelica sa role nila at kahit papaano ay may ginawa sila.

Si Jean ang gumanap na original Claudia Buenavista sa PSY.

Kasama ngayon si Jean sa cast ng Once Again na pinagbibidahan nina Aljur Abrenica at Janine Gutierrez na magsisimulang umere sa Lunes, May 2 sa GMA pagkatapos ng Poor Señorita ni Regine Velasquez-Alcasid.

Walang problema kay Jean mapa-bida o kontrabida man ang ibigay na role sa kanya at buong ningning naman niyang nagagawa ang role na iyon. Alam naman daw ng GMA ang kakayahan niya bilang artista.
Dalawa ang pinagpipilian ni Jean na kandidato sa pagka-presidente at wala pa raw siyang desisyon kung sino ang pipiliin niya.

Thea maldita na naman

Kasama rin sa cast si Thea Tolentino na siyang magpapahirap kay Janine. Hindi naman affected ang aktres na laging kontrabida role ang ibinibigay sa kanya.

Nakikita raw ng GMA ang pagiging effective niya bilang kontrabida at mas masahol pa raw ang gagawin niya kay Janine kesa sa ginawa niya kay Barbie Forteza sa The Half Sister.

In love kasi siya dito kay Aljur na boyfriend ni Janine.

Kasama rin sa Once Again si Jeric Gonzales.

TV networks dapat maging istrikto sa oras ng trabaho

Ngayon naglabas ng circular ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng 8-12 hours lang ang allowed time ng mga taping at shooting ay i-implement kaya ng mga network at movie companies?

Nasa artista rin naman at mga directors ang problema kaya natatagalan ang mga taping.

Ayon sa nakausap namin ay ‘yung mga malalaking artista pa ang madalas na cause of delay dahil sa kaartehan. Minsan may mga artista raw na dumadating ng late or hindi handa sa set. Inaabot ng ilang oras ang makeup. May mga director din na bukod sa mabagal ay super tsika in between takes at minsan natutulog.

Dapat maging strict ang network sa mga ganitong attitude para lahat makakauwi ng maaga.

Rhian loyalista

Nag-renew ng contract si Rhian Ramos for three years sa GMA network. Sampung taon na sa GMA si Rhian at dito nga siya nagsimula at lumaki. Natutuwa siya sa pag-aalagang ginagawa sa kanya ng GMA at kaya wala siyang balak iwan ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with