^

Pang Movies

Gusto nang mag-move on, Maxine Medina aminado sa sablay na sagot

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Confident ang bagong kinoronahan na Binibining Pilipinas-Universe na si Maxine Medina na puwedeng mag-back-to-back win ang Pilipinas sa Miss Universe.

Malaking pressure para kay Maxine ang masundan ang yapak ni Pia Alonzo Wurtzbach. Pero gagawin nga raw niya ang mga nararapat para kahit paano ay mapantayan niya ang mga na-achieve ni Pia, lalo na ang pagkapanalo nito bilang Miss Universe 2015.

“Yes, after winning the pageant, I felt a lot of pressure but now I think it’s a good kind of pressure as it helps me to motivate myself and to train more. May laban tayo! I swear,” diin pa ni Maxine.

Kung sabagay, nasa dugo na pala ni Maxine ang pagiging beauty queen dahil pamangkin pala siya ng Bb. Pilipinas-Universe 1990 Gem Padilla.

Aminado si Maxine na hindi siya satisfied sa kanyang naging sagot sa Q&A portion ng Bb. Pilipinas pageant. Pero dahil sa words of encouragement ni Pia, nangako si Maxine na magte-train siya nang husto.

“I felt bad for my Q and A. I told Pia, ‘I know I didn’t do well in my Q and A. Ang dami na sigurong bashers. What will I do?’ She told me to just move forward and focus on my training.

“Now that I know my weaknesses, I want to strive some more and focus on winning,” pagtapos pa ni Maxine Medina.

Magulang, kapatid ng babae umalma Buboy Villar hindi pa pala girlfriend ang idinidispley sa social media

Napasama pa ang dating child actor na si Buboy Villar dahil sa pag-post niya sa kanyang Instagram account ng photo ng nababalitang girlfriend niya na nagngangalang Angillyn Serrano Gorens.

Tinawag ni Buboy na “mahal ko” ang naturang girl noong una niya itong i-post noong February at ikalawa noong April.

Marami ang natuwa dahil sa wakas ay may matatawag nang girlfriend si Buboy.

Nakahanap na nga ng inspirasyon si Buboy at wala namang masama kung maging proud siya sa babaeng mahal niya ngayon.

Pero biglang nag-react nga ang pamilya ng nababalitang girlfriend ni Buboy.

Sa pamamagitan ng Facebook, nag-post doon ang kapatid na babae ni Angillyn na si Veybillyn Serrano Gorens.

Nilinaw nito ang tungkol sa diumanong relasyon ng kanyang kapatid kay Buboy Villar.

Nagulat daw kasi ang kanilang ina noong ipagsigawan ni Buboy na girlfriend na nito si Angillyn.

Ang katotohanan daw ay nanliligaw pa lang si Buboy kay Angillyn.

Hindi raw nila nagustuhan ang ginawa ni Buboy na pag-post ng photo ni Angillyn sa social media dahil menor de edad pa raw ito.

Heto ang kanyang post sa Facebook:

“Our parents is not aware of what is going on between Buboy Villar and my sister.

“My parents only allowed him to visit and get to know each other well and no relationship yet because she is still a minor.

“The last time my mom spoke to Buboy Villar they both agreed that he is going to come visit and start courting my sister like a Filipino.”

“Unfortunately she didn’t expect that this will be posted and be trended on social media she didn’t like how Buboy Villar talks on social media about having a relationship already.”

Louise at Juancho, nagkasundo

Mabilis nga raw na nagkaroon ng chemistry sa pagitan nila Juancho Trivino at Louise delos Reyes. Sila ang bagong loveteam para sa teleserye na Magkaibang Mundo ng GMA 7.

Matagal na raw magkaibigan sina Juancho at Louise, pero never daw naisip ni Louise na one day ay magtatambal silang dalawa.

“Actually it’s so funny kasi andami ko nang nakapareha, kung sino pa ‘yung halos kasing edad ko, which is siya (Juancho Trivino), hindi ko pa siya nakakatrabaho.

“Magkakaibigan kami, pero parang hindi ko naisip na puwede pala ka­ming mag-partner,” pahayag ni Louise.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with