^

Pang Movies

Marian sasampulan si AiAi

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Simula mamayang 10:45 a.m. sa GMA 7, mas maganda ang inyong mga umaga kung ang mapapanood sa inyong mga TV ay ang beautiful face ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa kanyang first morning talk show, ang Yan Ang Morning! 

For her pilot episode, special guests ni Yan ang mag-inang AiAi delas Alas at Sancho Vito. Two weeks preggy na ang girlfriend ni Sancho na si Shana at sino pa nga ba ang mas excited, kundi si AiAi, na this early ay pinaghahandaan na ang pagiging lola niya. Namimili na siya ng mga gamit ng magiging apo.

Sa direksyon ni Louie Ignacio, araw-araw ay iba-iba ang special guests ni Marian at kaagapay niyang mag-aasikaso sa mga guest at audience ang BFF niyang si Boobay.

Show ni Willie pinalitan ng mga pelikula

Wala munang Wowowin mamayang 5:00 p.m. kaya mga Kapuso Blockbuster Movies ang mapapanood at pagdating ng 8:45 p.m., ang pilot episode naman ng Once Again nina Aljur Abrenica at Janine Gutierrez, pagkatapos ng Poor Señorita.

Atty. Edward maganda ang mga proyekto sa mga senior citizen

Masaya ang ipinag-imbita ni Manay Marichu Vera-Perez Maceda na lunch sa Sampaguita Gardens para sa project ng anak na si Edward para sa mga senior citizens ng kanyang nasasakupan bilang konsehal, sa 4th District ng Manila na inimbita rin niya for lunch. 

Kaya inimbita rin niya ang mga senior stars in local showbiz tulad nina Ms. Gloria Romero, Pilita Corrales, Divina Valencia, Luz Valdez, Nova Villa, Lollie Mara, Gloria Sevilla, kasama ang anak na si Suzette Ranillo, Jaime Fabregas, with Lolit Solis at Ricky Lo.  Nagbahagi sila sa mga senior citizen ng masasayang araw nila sa Sampaguita Pictures, na sabi nga nila, doon na sila “lumaki” at nakilalang mga mahuhusay na artista, sa guidance ni Dr. Jose Perez at Mommy Azucena Vera-Perez.

Si Edward ay bunso sa limang anak na lalaki nina Manay Ichu at Sen. Ernesto Maceda. Graduate si Edward ng journalism sa UP at nagtapos din siya ng law sa Ateneo University with honors. Six terms siyang naging councilor of Manila from 1995 to 2004, at sumunod noong 2007 to 2016, kaya kandidato naman siya ngayong Congressman sa 4th District of Manila. Sa kanyang panunungkulan, pinagtuunan ng pansin ni Edward ang kapakanan ng mga Senior Citizens sa kanyang distrito. Siya ang unang nagbigay ng free movie tickets sa Manila’s senior citizens, cash gift na P500 on their birthday, free medical services sa alinman sa anim na ospital sa Maynila.

Itutuloy pa rin niya ang proyektong ito kapag nahalal siyang Congressman at isasama na niya ang bagong proyekto na magbibigay ng free education sa lahat para matulungan silang mabago ang kanilang pamumuhay. And believe na believe kami kay Edward, dahil ang bilis niyang matandaan ang names ng mga tao, kahit first time pa lamang niyang nakilala. Biro namin, kilala ba niyang lahat ang mga constituents niya sa kanilang 4th district?

Kasamang nag-entertain ni Edward ang fiancée niya, ang very beautiful na si Dr. Gel Lazaro, a dermatologist. Next year ay magpapakasal na sila. Kasama rin ni Manay Ichu na nag-asikaso sa mga guests, at media people ang kapatid na si Betchay Vera-Perez-Nakpil na siyang nag-provide ng masarap na pananghalian para sa lahat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with