^

Pang Movies

Habang ang iba nanlalamig na James at Nadine painit nang painit ang loveteam

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

We were there noong final presscon nila para sa pelikulang This Time. Noong dumating na ang mga bidang sina James Reid at Nadine Lustre, habang pababa sila sa hagdan mula sa isang waiting room kung saan muna sila pinaghintay, nagkagulo na ang mga tao. Nakatutok ang maraming TV cameras. Panay ang kislapan ng mga still cameras, at ang higit na marami ay ang mga nakatutok na cell phones. Kinukunan sila ng pictures. At hindi mga ordinaryong tao ang nagkakagulong iyon. Mga lehitimong press people sila. Wala kaming nakitang mga “prespresan na fanchita pala”.

Isa lang ang reason kung bakit nangyari iyan, alam ng press people na sina James at Nadine ang hinahabol ng kanilang mga reader, kaya sila nagkakagulo at lahat ay gustong makakuha ng magandang picture ng da­lawa.

Hindi namin nakita iyan noong una eh.

Noon, aaminin namin, mukhang nakumbinsi kami ng mga pralala ng ibang love teams na sumikat din naman. Iyon nga lang nagkamali ng diskarte sa kanilang career kaya ngayon matamlay na ang kanilang popu­la­ridad. Iyon namang isang sikat na love team, ang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza, na nagsisimula nang mag-level ang popularidad, wala na ang euphoria. Ang kasikatan nila ngayon ay nasa talagang level na.

Diyan naman umentrada itong JaDine. Bigla nilang inamin na mag-on na sila. Lalong uminit ang love team nila. Kaya hindi kami naniniwala doon sa kung ano’ng sinasabi nilang delikado na natapatan sila ng ibang pelikula. Palagay namin ang makikita natin diyan ay parang “David and Goliath”. Ang inaakalang higante, kaya palang patumbahin ng maliit na bato lamang.

Isa ang sinasabi nilang punto. Tiyak lamang kung sino ang may mabigat na TV network. Hindi kami naniniwala riyan. Ang pelikula nilang una na Diary ng Panget, wala namang TV network na sumuporta pero naging isang malaking hit. Kaya nga sila pinag-agawan ng mga TV network pagkatapos nitong maipalabas.

Ang JaDine ay isang love team na pinasikat at ginawa hindi ng telebisyon kundi ng pelikula. Kagaya ng maraming mga artista noong araw, noong naging big stars na ng pelikula, at saka sila hinabol ng telebisyon. Hindi kagaya ng maraming artista ngayon, babad sa telebis­yon kaya basta may ginawang pelikula, teka kailangang bilangin kung ilan ang manonood.

Isa pang ad­vantage na a­ming nakita. Ang JaDine bilang isang love team ay subok na sa tao. Kahit na nga noong hindi pa sila umaamin na totohanan na ang relasyon nila marami na ang nababaliw sa kanila eh, ngayon pa ba? Eh ang ganyan ay swak ang formula. Itapat mo sa isang experimental love team, sa palagay ninyo sino ang panonoorin ng tao?

Siguro nga totoong magkakaroon ng casualty sa banggaan ng dalawang pelikulang Pilipino. Pero sanay naman tayo sa ganyan. Hindi ba noong araw naman, talagang nagsasabayan ng pelikula ang Viva, Regal, at Seiko. Lahat naman kumikita. Bakit nga ba ngayon ay kailangang mag-iwasan.

Pero siyempre sa tapatan, kumita man pareho, may lalabas na casualty. Sa pagkakataong ito, palagay namin hindi na namin kailangang pahulaan kung sino ang magiging casualty sa laban. Parang presidential election lang naman iyan.

Tiyak naman na kikita ang lahat ng pelikula eh, alam naman ninyo ang eleksiyon, at natural maraming pera ang mga tao. Kita naman ninyo na nagkakaabutan na ng “envelope”. Sana gamitin na lang nila iyon sa panonood ng magandang pelikulang Pilipino. Panoorin ninyo ang trailer ng This Time. Iyan iyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with