^

Pang Movies

May ibang tina-target, Sam walang planong ligawan si Pia!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Flattered si Sam Milby to know na crush din pala siya ng kapatid ni Bianca Manalo na si Nicole Manalo, who, as we all know ay kapapanalo lang as Bb. Pilipinas-Globe sa katatapos lang na Bb. Pilipinas pageant.

“Wow!” nasambit si Sam nang sabihin ito sa kanya ni Manay Ethel Ramos. “Sobrang flattering talaga,” sambit pa ng aktor.

Comment nga ng press, puro beauty queen pala ang may crush sa kanya dahil ‘di ba nga, inamin naman ni Miss Universe Pia Wurtzbach na crush niya si Sam?

“Ako, sobrang flattered ako. And it’s funny kasi I’ve known her for 8 years, matagal na kaming magkaibigan,” say ni Sam tungkol kay Pia.

When asked kung bakit hindi niya niligawan si Pia, say ng Doble Kara actor, “parehas kaming may relasyon noon”.

Eh ngayon, bakit hindi niya ligawan ngayon?

“Well, the thing is, bilang kaibigan niya and I’ve known her for such a long time, I find it very flattering na vocal siya sa Fast Talk with Boy Abunda, and I’m very flattered. And ‘yun, I’ve known Pia for a very long time, siyempre, napakaganda, napaka-genuine na tao,” say ni Sam.

Pero ‘pag tungkol sa girl na dine-date niya nga­yon ang question, smile na lang si Sam dahil ayaw nga niya ito munang i-publicize. Quiet na lang daw muna.

Sa ngayon ay hindi na raw muna siya aalis ng bansa para mag-audition sa US dahil nga busy siya sa Doble Kara with Julia Montes na umeere sa afternoon slot ng ABS-CBN at nag-extend na naman dahil sa mataas na ratings.

“Maraming blessings ngayon but next year, kung may time, gusto ko, kahit para sa experience lang, auditioning. Kasi, may management ako doon na nag-i-email pa rin sa akin about auditions, kung pwedeng mag-send ng video,” he said.

Grace ‘di nakalimutan ang graduation ng anak

Hindi nagkulang si Ms. Susan Roces at Da King Fernando Poe, Jr. sa pagmamahal kay Sen. Grace Poe kahit na inampon lang nila ang senadora.

Kaya naman ganito ring klaseng pagmamahal ang ibinibigay ngayon ni Grace sa kanilang mga anak ni Mr. Neil Llamanzares.

Kahit sobrang busy ang kaniyang schedule sa nalalabing araw ng kampanya, siniguro ni Grace na may panahon pa rin siya para makadalo sa graduation ng bunsong anak na si Anika sa grade school nitong nakaraang Biyernes (Abril 29).

“A mother’s greatest joy is the success and happiness of her daughter. Congrats Nika on your graduation day,” sey ni Grace sa kaniyang Instagram account kasama ang picture nila ng bunsong anak.

Nakaka-touch din ang sinabi ni Grace sa picture nilang tatlo ni Anika at inang si Ms. Susan Roces.

“One of the greatest love ever is between mothers and daughters. Happy graduation Nika! We are all so proud of you,” sabi naman ni Grace sa kanyang Facebook page na may 3 million followers.

Proposal ni Daniel kay Erich, ngayong lunes na

Ang daming nag-aabang na DanRich followers sa episode ng Be My Lady nina Da­niel Matsunaga at Erich Gonzales ngayong Monday.

Isa sa best episodes ng BML ang ipalalabas today dahil ngayon na magpo-propose si Phil (Daniel) kay Pinang (Erich) at sasabihin na niya ang matagal nang inaabangan ng lahat - ang “I love you”.

Sa trailer pa lang ay sobrang nakakakilig na ang proposal ni Phil kaya naman sa kanya-kanyang Instagram ng showbiz couple ay sobrang dami ng positive comments tungkol sa show.

Komento nga ng isang follower, need daw niya ang oxygen sa Monday. Ha-ha-ha!

Ang ganda rin ng feedback sa swimsuit scene ni Erich last Friday at ngayong Monday nga ang continuation nito kung saan ay magpapakita rin si Daniel ng kanyang hotness dahil sa teaser ay may topless scene siya.

Sa kwento ay nag-outing ang mga karakter sa Be My Lady at nag-taping pa sila sa beach para kunan ang magagandang scenes na ito kabilang na ang proposal ni Phil.

Matatandaang dahil sa mataas na ratings ng Be My Lady, recently ay binigyan sina Daniel at Erich ng ABS-CBN ng titulong Daytime Prince and Princess ng Kapamilya network.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with