^

Pang Movies

Martin may paandar

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Si Martin Nievera sa ASAP mamaya.

Nagtapos na ang I Love OPM last week kung saan ay nagsilbing himigration officer si Martin at mamaya nga, matutupad na ang wish ng marami na magbalik-ASAP na ang original concert king.

Miss na miss na ng kanyang fans sa ASAP si Martin, kaya tiyak na tututukan siya mamaya sa musical variety show ng ABS-CBN.
Ilang weeks ding nawala sa ASAP si Martin dahil bukod sa I Love OPM ay naging abala rin siya sa kaliwa’t kanang shows here and abroad.

Kung excited ang kanyang fans sa pagbabalik-ASAP ni Martin, excited din ang singer/TV host.

Abangan ang mga pasabog mamaya sa pagbabalik-ASAP ni Martin!

Sunday PinaSaya, naka-taped na

Taped na ang Sunday PinaSaya ng GMA 7 mamaya.

Pati ang episode nila sa Sunday ay taped na rin.

Gagamitin ang studios ng Kapuso network sa election coverage.

Pati mga gamit nila ay gagamitin din sa iba’t ibang remote coverage ng election 2016.

Ang Eat Bulaga lang yata ang may live telecast dahil may sariling studio at mga gamit ang TAPE, Inc.

Barbie at Andre, mag-BFF lang talaga

Dahil tapos na ang That’s My Amboy at taped na nga ang Sunday PinaSaya, magbabakasyon somewhere in Laguna si Barbie Forteza kasama ang kanyang pamilya.

Tatlong araw raw silang magpapahinga.

Sabi ni Barbie, magandang pagkakataon din ‘yon para makapag-bonding siya sa kanyang pamilya.

Makakasama kaya nila si Andre Paras? Mukhang hindi dahil balitang kahit click ang loveteam nila, hindi naman daw nagliligawan ang dalawa.

Best of friends lang yata sina Barbie at Andre!

Georgina super saya!

Nagpadala sa akin ng mga picrture ang kaibigang si Mary Ann Opeña na nasa Winchester, England para sa kasal ni Georgina Wilson kay Arthur Peter Geoffrey Burnand.

Kuha ang mga litratong ‘yon sa despedida de soltera ni Georgina.

Mukhang ang saya-saya ni Georgina sa mga litratong ‘yon.

Kasama na rin sa mga litratong ipinadala sa akin ni Tita Mary Ann ang mga litrato nina Gloria Diaz at Raymond Gutierrez.

Isa rin si Raymond sa mga kaibigan ni Georgina na pumunta ng England para sa kasal nila kahapon ni Arthur sa St. Peter Church.

Video ng halikan nina James at Nadine, legit daw!

Sabi, mukhang totohanan daw ang kissing video nina James Reid at Nadine Lustre.

Imposibleng gimmick daw ‘yon para sa promotions ng This Time movie nila under Viva Films na isu-showing na sa Wednesday (May 4).

Obvious naman daw sa reactions ng dalawa na nabigla sila na kinunan pala ang paghahalikan nila.

Ikinatuwa nga pala ng JaDine fans ang kissing video na ‘yon.

Patunay lang daw na hindi lang kunwa-kunwarian ang relasyon ng dalawa.

May iba kasing duda sa pag-amin nina James at Nadine na mag-on na sila simula pa noong Feb­ruary 11.

Ang duda kasi ng iba, for the shake of their love­team lang ang ginawa nilang pag-amin.

Well…

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with