^

Pang Movies

Kapamilya dapat ding protektahan sina James at Nadine

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nagri-react ang fans nina James Reid at Nadine Lustre ganundin ang followers nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado kung bakit isinabay ang showing ng movie ng apat.

Matatandaang naka-schedule ang showing ng Just The 3 of Us nina John Lloyd at Jennylyn nu’ng  Wednesday, April 27 na release ng Star Cinema. Pero dahil sa sasabay din ito sa opening ng Captain America: Civil War movie na-move rin ang showing nina Lloydie sa May 4.

Kaso, nagkataon na showing din ang pelikula ng JaDine loveteam na may title na This Time mula sa Viva Films. Imbes na i-move sa ibang playdate ang pelikula nina Lloydie ay isinabay nga ito kina James at Nadine.

Reklamo ng fans ng JaDine, na kahit pa taga-Viva ang dalawa ay naging mataas din ang ratings ng  On the Wings of Love na nagmarka ito sa Kapamilya Network.

First time solo movie pa naman ito nina James at Nadine na sila talaga ang bida at maganda rin ang pelikula na kahit marami ring followers in a way ay makakaapekto rin sa kita ng dalawa.

Wish ng fans na magawan pa ng paraan para hindi magsabong ang movie ng kanilang mga idolo. Nagagalit ang mga palaban na fans ng JaDine at sinasabihang bias daw ang Kapamilya network.

Katwiran ng fans ng JaDine na dapat ay protektahan din ng ABS-CBN sina James at Nadine, tutal malaking artista na sina Lloydie at Jennylyn na parehong subok na pagdating sa box office. Imbes na ipagtapat ang movie ay dapat suportahan sina James at Nadine.

Kaya pinoprotesta ng fans ng JaDine ang salpukan ng pelikula nina James at John Lloyd na hindi raw dapat pera-pera lang. Kundi suportahan ang anumang pelikulang Pilipino dahil halos Viva Films at Star Cinema na lang ang nagpapalabas sa main stream tapos magbabanggaan pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with