^

Pang Movies

Marian aminado sa pagiging maarte

Jun Nardo - Pang-masa

Binubusisi pala ni Marian Rivera ang kanyang mga feed sa Instagram kaya naman lutang na lutang ang magandang pagkakaa­yos ng mga litrato.

Ayon kay Yan, meron silang white wall sa bahay kung saan ginagawa niya ang photo shoot na ipinu-post niya. Take note na maraming beses niyang kinukuhanan ang isang bagay bago siya magdesisyong i-post sa IG.

“May white wall ako sa bahay. Du’n ko pini-picture-an, sobrang arte ko eh. Siguro, isa rin ‘yan sa mga hilig kong gawin eh. Talagang mabusisi ako sa mga pag-aayos ng mga bagay-bagay,” sabi ni Marian.

Tiyak na isa ‘yan sa isi-share ni Yan Yan sa pagsisimula ng morning talk show niya sa May 2, ang Yan Ang Morning!

Sunshine pahiya? Cesar ibinuyangyang ang mga tsekeng ibinayad sa pag-aaral ng mga anak

Hindi pa rin tapos ang bangayan ng estranged couple na sina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Sa isang post ni Cesar sa Instagram account niya, ipinakita niya ang tatlong tsekeng ibinayad niya sa tuition fees ng mga anak.

“Yeey, school tuition of my 3 daughters are paid for the entire year 2016. I just paid them all! All glory to God!

“I hate to do this making it public. I don’t have to do this but after learning that some people get wrong info, oops, I got to do it now.

“Also I think I awe (owe) my 3 daughters (Angelina, Samantha and Francesca) this information and their friends too. Pls bear with me guys. It has been my passion giving my kids good education from day one.

“How about u Diego tuloy mo na college mo habang buhay pa dad mo. Hehe. Bata ka pa. U can do both, pag-aartista and school. There’s no substitute for education…Basta I’m here for u. I love you Diegz. I love you Angelina, Samantha and Francesca. I’m always here for u 100%. God bless u guys.”

Andi nagmumura ang boobs sa men’s mag!

Pumayag na rin si Andi Eigenmann na maging cover girl ng May issue ng FHM.  Sa Boracay kinunan ang shoot kung saan nakalublob sa dagat si Andi at kalahati ng nagmumurang boobs ang idinispley.

May mga positibong komento naman sa pose na ‘yon ni Andi. Pero mas magandang hingan ng reaksyon ang ina niyang si Jaclyn Jose, huh!

Eh, wala pa kaming kopyang nakita ng FHM dahil gusto na­ming makita ‘yung inside pages na pose ng seksing aktres. Maliit na babae kasi si Andi kaya curious kaming makita ang katawan niya’t mga biyas, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with