^

Pang Movies

Sa rami raw ng bagets na fans James at Nadine, hinulaang mas tatangkilikin

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi namin maintindihan kung bakit sinasa­bing malaking problema na nakasabay ng This Time nina James Reid at Nadine Lustre ang peli­kula nina Jennylyn Mercado at John Lloyd Cruz na Just The 3 of Us.

Palagay namin, hindi talaga problema iyan dahil noong araw ay talagang nagtatapatan pa ang mga pelikulang Pilipino. Matira na lang ang matibay at sa nakikita naman namin, dahil sila ang uso ngayon at marami silang fans, mananalo ang JaDine riyan.

After all, ang fans ng JaDine, hindi naman manonood ng ibang pelikula eh. Iyon namang mga mahihilig sa senior stars, sila ang panonoorin. Palakihan na lang sila ng market. Sino ba ang mas marami, ang mga batang mahihilig sa younger love teams o ang medyo may edad na, na ang hinahanap ay ang mas matured na mga artista?

May point nga siguro ang nagsasabing may audience naman ang pelikulang Pilipino na dahil sa kamahalan ng bayad sa sine ngayon, kailangan lamang mamili ng isang pelikulang panonoorin, at magkakaroon iyan ng epekto sa dalawang pelikula mismo dahil mahahati sa kanila ang grupong iyon. Eh ‘di pabonggahan na lang ang laban.

Kung sino ang lalabas na mas bongga riyan, iyon ang panalo.

Siguro nga masasabing mas may advantage ang isa dahil may sarili silang network. Pero hindi rin naman nila maaaring kawawain ang JaDine dahil oras na gawin nila iyon, mawawalan sila ng malalakas na TV stars na nakapag-akyat din sa network nila ng matataas na ratings lately.

Isa pa, sina James Reid at Nadine Lustre ay nakakontrata sa ABS-CBN. Si Jennylyn Mercado ay mula naman sa kalaban nilang network.

Ano ang palagay namin sa sagupaang iyan? Talagang malakas ang aming kutob na mangingibabaw ang JaDine sa mga unang araw pa lamang ng pelikula dahil sa rami ng kanilang fans. Ngayon, nasa content ng kanilang pelikula kung papaano nila mapapanatili iyon on top.

Siguro nga ang isang alas nila ay ang writer na si Mel del Rosario, na writer ng lahat halos ng mga hit movies na ganoon ang tema. Alam niya ang kuwentong magpapakilig sa fans kaya ayos iyon.

Boobay may kaba sa pagiging co-host ni Marian

Nakakatuwa naman at finally ay nagkaroon ng magandang break ang komedyanteng si Boobay. Kagaya siya ng maraming gay comedians. Nanggaling din naman siya sa mga comedy bar. Matagal na si Boobay, at maliliit na parte lamang ang nakukuha niya.

Siguro nga ang isang magandang nakuha niyang assignment ay ang kanyang mga bit role sa kalyeserye ng Eat Bulaga bilang yaya rin ng mga lola.

Pero ngayon dumating sa kanya ang masasabing talagang mala­king break. Co-host na siya ni Marian Rivera sa Yan Ang Morning! na mapapanood na simula bukas.

Inamin ni Boobay na naroroon ang kaba sa kanya, kasi nga medyo mabigat ang assignment na iyan. Walang dudang ina­asahan nila ang mataas na ratings para sa show na iyan. After all, ang main host ay ang tinatawag nilang primetime queen.

Hindi rin naman maikakaila na ang mga comic relief na kailangan sa show ay inaasahan nila talagang maibibigay ni Boobay. Kung medyo nakakabagot na ang takbo, kailangang gumawa ng joke si Boobay. Baka ang akala ninyo simple iyan. Hindi madaling trabaho iyan.

Maraming magagaling na comedians, magaganda ang jokes, pero mali ang timing at dahil doon walang nangyayari sa kanila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with