^

Pang Movies

JaDine nagamit sa kampanya na walang permiso

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Pagkatapos gamitin ang litrato ni Alden Ri­chards sa campaign posters ng isang nameless na kandidato, sina James Reid at Nadine Lustre naman ang biktima ng mga mapagsamantala na tao.

Kumalat ang mga litrato nina James at Nadine na nag-e-endorso ng isang vice presidential candidate at nakakuha ng kopya nito ang Viva Artists Agency, ang talent management agency na in-charge sa showbiz career ng JaDine loveteam.

Walang permiso ng Viva Artists Agency at nina James at Nadine ang paggamit sa litrato ng mga bida ng This Time sa kampanya ng kandidato.

Para matigil na ang pangga­gamit, naglabas ng official statement ang Viva Artists Agency.

“This is to inform the public that Viva Artists Agency Inc. (VAA) and its artists, James Reid and Nadine Lustre are not endorsing, supporting nor affiliated with any candidate for the 2016 Philippine elections.

“Any materials featuring the name, image or likeness of Mr. Reid and Miss Lustre endorsing or supporting any political candidate were released and exhibited without the consent of Viva Artists Agency, Mr. Reid and Miss Lustre.”

May feeling ako na hindi alam ng vice presidential candidate na ginagamit ang JaDine sa kampanya niya.

Baka ang mga supporter lang ng kandidato ang may pakana sa walang pahintulot na paggamit sa litrato nina James at Nadine.

‘Yan ang dahilan kaya hindi pinapayagan sina James at Nadine na gumawa ng mga fansign dahil puwedeng-puwede ito na iretoke at palabasin na may mga sinusuportahan sila na mga kandidato.

Hindi nag-iisa sina James at Nadine dahil maraming mga artista ang biktima ng mga edited campaign poster. Ganyan kaabusado at mapaglinlang ang ibang mga tao na akala nila eh makakaisa sila.

Kahit magpa-facial hindi na magawa Nadine at James wala nang oras para sa sarili

Alam n’yo ba na dahil sa sobrang hectic ng schedule nina James at Nadine, nahirapan ang Viva Films na maghanap ng available time and day para sa presscon ng This Time?

Kaya kahit late na ang 9 p.m., nagpatawag kagabi ng presscon ang Viva Films para sa lead stars, writer, at director ng pelikula nila na mapapanood sa mga sinehan simula sa May 4.

Dumalo sa presscon sina James, Nadine, ang This Time scriptwriter na si Mel del Rosario at ang direktor na si Nuel Naval.

Mula noong sumikat nang husto ang JaDine loveteam, marami na ang nagbago sa buhay nina Nadine at James.

Bukod sa nawalan sila ng privacy, nabawasan na rin ang oras nila para sa sarili at sa kanilang pamilya.

Marami na ang mga imbitasyon na hindi napupuntahan nina James at Nadine pero walang dapat ipagtampo ang kanilang mga kaibigan dahil wala na talaga silang panahon para sa sarili.

Matagal nang gustong-gusto ni Nadine na magpa-facial pero hindi niya magawa dahil imbes na lumabas ng bahay, nagpapahinga at natutulog na lang siya.

Fully-booked sina James at Nadine hanggang sa June dahil may concert tour sila sa Canada at Amerika.

Pero hectic man ang schedule nila, hindi nagrereklamo sina James at Nadine dahil enjoy sila sa kanilang mga ginagawa. Maligaya ang dalawa kapag napapasaya nila ang fans na buong-buo ang tiwala at suporta sa kanila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with