^

Pang Movies

Cesar naayos na ang mga lubak sa buhay

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bukod sa mga showbiz work ni Cesar Montano ay patuloy pa rin ito sa matagal na niyang hobby na pagpipinta.

Noong isang araw ay nagkaroon siya ng mini-exhibit sa Kamuning Bakery kung saan si Wilson Lee Flores ang nangasiwa at si Mother Lily Monteverde ang siyang nag-cut ng ribbon.

Ilang beses na kaming inimbitahan ni Wilson sa tuwing may event sa kanyang bakery at finally ay dinaluhan namin itong huli.

In fairness, ang daming kasamahan sa panulat ang dumalo at nakapanayam ang aktor na buong pagmamalaki na ipinapakita ang kanyang mga masterpiece. Pero hindi niya ipinakita ang pinaka-importanteng painting niya na very memorable sa kanya. Ito raw ‘yung painting na ginawa niya at the lowest point ng buhay niya. Ito raw ang nagpapaalala sa mga panahong ‘yun.

Pero okay na raw siya at kahit papaano ay naayos na raw ang mga gusot sa buhay niya.
Si Cesar Montano ay walang posisyong tinatakbuhan sa kasalukuyan pero may Party List kung saan kaalyado siya. May game show siya sa TV5 at malapit na rin matapos ang Bakit Manipis Ang Ulap?

Annabelle at Eddie,magkaiba ang presidente

Sa Linggo ay magbi-birthday muli ang anak ni Richard Gutierrez na si Zion. Kaya may party na naman ang bagets at excited na excited na ang lola niyang si Annabelle Rama. Bata pa lang ay exposed na si Zion sa mga aktibidades ng election huh. Pagdating daw ni Annabelle galing Cebu kung saan tumutulong siya sa kampanya ng kapatid na si Michael Rama na tumatakbong Mayor sa ilalim ng UNA, napansin daw ni Zion ang mga Binay baller na suot ng lola.

Sinita ang lola na bakit ‘yun ang suot at Grace Poe raw siya. Nagulat ang lola sa sinabi ng apo. ‘Yun pala ay may mga Poe baller si Eddie Gutierrez ni Grace Poe at na-brainwash ang bata.

Hindi pa rin pala gaano nag-uusap ang magbalae na si Annabel at Ester. Ayon kay Annabel kinakausap naman daw niya kapag binabati siya pero kung hindi dedma lang. Sana wala ng eksenang magaganap sa party ni Zion.

Michael V back to work na

Sa pagbabalik ni Michael V sa bansa after ng annual vacation ng pamilya ay back to work na ang artista ng Bubble Gang at Pepito Manaloto na napapanood tuwing weekend sa GMA 7. Kaya buhay na buhay ang weekend viewers ng GMA 7.

                 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with