^

Pang Movies

Kasal ni Georgina sa England, dadaluhan ng mga kamag-anak at kaibigan

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kahapon ay nagpunta na ng Winchester, England mula sa London ang mga kasali sa kasal ngayon ni Georgina Wilson sa Bristish businessman fiancé niyang si Arthur Peter Geoffrey Burnand.

Sa St. Peter’s Church sa Winchester ikakasal sina Georgina at Arthur ngayong 2:30 p.m. (England time).

Kasama sa mga bisita ang kaibigan kong si Mary Ann Opeña na based sa Corona, California at malapit sa pamilya ng bride.

Nakasabay ni Tita Mary Ann sa flight mula ‘Pinas pa-London ang magkapatid na Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith at ang malapit na ring magpakasal na si Isabelle Daza.

Nakita rin ni Tita Mary Ann sa London sina Liz Uy at Gloria Diaz.

Kahapon din ang despedida de soltera ni Georgina sa Winchester.

Karamihan daw ng mga kamag-anak ni Georgina ay a-attend ng kasal nila mamaya ni Arthur.

Kung sa Winchester ang kasal ni Georgina, ang pinsan naman niyang si Isabelle ay sa Tuscany, Italy ikakasal.

Walang kadala-dala?Kahit nahipuan na, Maine mas gusto pa rin sa barangay!

After na mahipuan noong Wednesday sa kanilang barangay segment para sa kalyeserye ng Eat Bulaga, matindi ang request ng fans ni Maine Mendoza (Yaya Dub) na sa Broadway Studio na lang ng Eat Bulaga siya i-assign.

Dapat daw ay sa labas naman si Alden Richards dahil ito naman ang lalaki.

Ayon naman sa isang source ko na taga-TAPE, Inc., mismong si Maine pala ang may gusto na sa labas siya ng studio.

Noon daw biniro minsan ng isang executive ng TAPE, Inc. si Maine at sinabing sa studio na siya ia-assign, nag-react daw ang tinaguriang phenomenal star ng Eat Bulaga at sinabing mas gusto niya na sa barangay siya.

Para maiwasan daw mahipuan na naman si Maine, magdadagdag daw ng security men ang mga taga-Eat Bulaga.

Sunshine dinedma ang mga pralala ni Cesar

Dedma muna si Sunshine Cruz sa pahayag diumano ng estranged husband niyang si Cesar Montano na hindi imposible rito na magkaayos at maging magkaibigan sila alang-alang sa mga anak nila.

Mas gusto raw ni Sunshine na mag-concentrate na lang muna sa kanyang trabaho kesa magpainterbyu tungkol doon.

Pati ‘yung tungkol sa pahayag ni Cesar na hanggang ngayon ay hindi pa rin nito nakikita’t nakakasama ang tatlong anak na babae ay hindi na rin gustong sagutin ni Sunshine.

Samantala, nagpapasalamat si Sunshine sa mga kaibigan niya sa entertainment press dahil sa tuwing humihingi siya ng pang-unawa sa mga ito kapag ayaw niyang sagutin ang mga issue tungkol sa kanila ni Cesar ay madali naman daw siyang napagbibigyan.

Zion, sa ‘Jurassic Park’ magbi-birthday

Kahapon ay pinost ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram account (@iloveruffag) ang invitation para sa Jurassic Park theme birthday party ng pamangkin niyang si Zion Lahbati.

Marami ang cute na cute sa invitation na ‘yon.

Sabi nga pala ni Ruffa nang makatsikahan ko siya kahapon, in full force ang pamilya nila sa 3rd birthday party mamaya ni Zion.

Asahang naka-Jurassic Park get-up ang mga dara­ting sa birthday party mamaya ni Zion.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with