^

Pang Movies

Aicelle at Mark Zambrano todo-display ng harutan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kinakikiligan naman ngayon ang pagiging close ng Kapuso singer at Traffic Diva na si Aicelle Santos at ang GMA news reporter na si Mark Zambrano.

Lagi ngang nakikitang magkasama ang dalawa at kahit sa social media ay nagiging topic sila.

Sa Instagram account nga ni Aicelle ay nagkakaroon ng conversation ang dalawa na ikinakilig ng mga followers nila.

Tulad na lang noong mapaos at bumalik ang singing voice ni Aicelle, nagpakita ng pagiging sweet niya si Mark.

Heto ang naging sagutan nila:

Aicelle: We’re back! Praise God for His healing! Yay!

Mark: So happy to hear my favorite voice in the whole wide world!

Aicelle: Duet soon?

Mark: For you, anytime.

Isa pang kilig conversation ng dalawa ay noong mag-timeout si Aicelle sa beach. Parang gusto siyang sundan ni Mark.

Aicelle: No talking, no singing… Only food, the sea and love!

Mark: Sama ako!

Aicelle: Saan mo gusto pumunta? Tara!

Mark: Kahit saan basta kasama ka.

Aicelle: Ay teka!!!

Mark: Pag sinundo na ba kita, may 5k din ako? Haha

Aicelle: Sakit mo sa ulo!!! Sige mamaya!

Benjamin nagbigay ng career talk sa mga estudyante

Patuloy ang paglibot ng Kapuso hunk na si Benjamin Alves sa iba’t ibang universities sa Metro Manila bilang GMA Network Excellence Awards ambassador.

Noong nakaraang April 27 at nagbigay siya ng career talk sa mga student ng University of the Philippines Diliman. Nag-share nga si Benjamin ng kanyang mga experiences noong nag-aaral pa lang siya.

“It’s not really just inspiring them, it’s more of sharing my experience to them.

“It’s just nice to be in a campus, all the students na alam mo ‘yung itsura na they have so much ahead of them, they have so much potential,” diin pa niya.

Gustong iparating ng aktor sa mga student na kung gusto nilang ma-achieve ang anumang excellence sa kanilang pag-aaral, kailangan ay mag-enjoy sila sa kanilang pag-aaral.

“I think you have to enjoy because if you’re really trying to reach excellence you have to enjoy first because what’s the point of getting a great degree if you feel miserable about it,” pagtapos pa ni Benjamin Alves.

Alicia Vikander napisil na Lara Croft sa HOLLYWOOD MOVIE

Ang Oscar winner na si Alicia Vikander ang siyang gaganap bilang si Lara Croft sa prequel ng action-adventure film na Tomb Raider.

Si Angelina Jolie ang unang gumanap sa video game character na si Lara Croft in 2001. Nagkaroon ito ng sequel na Lara Croft, Tomb Raider: Cradle of Life noong 2003.

Ngayon sa reboot ng naturang franchise, ang Swedish actress na si Vikander ang gaganap bilang young Lara na magsisimula pa lang sa una niyang adventure.

Malaking pressure para kay Alicia ang gumanap sa Tomb Raider dahil parehong critical and box-office success ang mga ginawa ni Angelina Jolie.

Kumita ng higit sa $450 million worldwide ang dalawang Tomb Raider films.

Nanalo ng best supporting actress sa Oscars last February si Alicia para sa pelikulang The Danish Girl. Lumabas din siya sa mga pelikulang Ex-Machina at The Man From U.N.C.L.E.

Kasalukuyang tinatapos niya ang pelikulang Jason Bourne with Matt Damon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with