^

Pang Movies

Natural lang daw Marian ayaw magmagaling at magmaganda

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Preggy pa pala si Marian Rivera-Dantes nang unang i-offer sa kanya ng GMA 7 na mag-host ng isang talk show.  Pero parang mahirap daw mag-host ng isang talk show habang buntis pa siya, ang tinanggap lamang muna niya ang mag-host ng Sunday PinaSaya na huminto siya bago niya isinilang ang panganay nila ni Dingdong Dantes, si Baby Letizia, noong November 23, 2015.

“After kong ipanganak si Baby Zia, muli nila itong in-offer sa akin,” kuwento ni Marian after ng launch ng kanyang first morning talk show, ang Yan Ang Morning! 

“Marami pa rin akong tanong noon, kung kakayanin ko ba? Pero sinabi nila, totoong Marian lamang ang ipakikita ko sa show, hindi ko kailangang mag-pretend na mag-i-English ako, magmamagaling ako o magmamaganda. At nang magsimula na kaming mag-taping, marami agad akong natutunan sa show, may audience kami, kaya nai-share ko sa kanila ang alam ko, nagtutulungan kami.  Na-realize ko na kapag gusto mo ang ginagawa mo, wala namang imposible, try lang, hindi ba?”

Nilinaw din ni Marian na hindi siya namimili ng igi-guest sa show, kung sino raw ang bagay sa topic na idi-discuss nila, iyon ang igini-guest ng show.  Madalas nga raw kapag ibinigay sa kanya ang script, may guest na sila.

Tuluy-tuloy na ang taping ni Marian, tapos na nila ang pilot week na magsisimula na sa Monday, May 2, 10:45 a.m., sa direksyon ni Louie Ignacio at co-host niya ang best friend na si Boobay.  Nagkabiruan tuloy kung package deal daw sila ni Boobay dahil madalas na magkasama sila sa isang show. Hindi raw, sagot ni Boobay, pero si Marian, kapag sinabi sa kanyang isasama siya sa show nito, tinutupad ng BFF niya. Kaya ngayong nasa Yan Ang Morning! na siya, on call na raw lamang siya sa kal­yeserye ng Eat Bulaga at magri-report lamang siya kapag kailangan ang role niya bilang si Yaya Pak.

Ngayong Saturday, maggi-guest si Marian sa EB para mag-promote ng Yan Ang Morning! at muli niyang ilu-launch ang kanyang project SMILE para sa mga batang may cleft lip or palate na tutulungan nilang mapaoperahan nang libre.

Maine hindi takot pakasalan si Alden!

Matapos ang hindi magandang experience ni Maine Mendoza last Wednesday, naging cautious agad si Alden Richards sa ka-love team sa sugod-bahay nila nina Jose Manalo at Wally Bayola, nang makita sa TV screen kung gaano karami ang mga tao at nahirapan ang security na mabigyan sila ng safe space kaya nakiusap na lamang sila sa isang bahay na doon muna sila at pinapunta na lamang ang nabunot na contestant. Laging may moral lesson na ipinakikita ang sugod-bahay tulad ni Nilda Clarina. Mas matanda siya sa kanyang asawa pero nagpapasalamat siya dahil hindi siya iniiwan ng kanyang kabiyak. Hirap ang buhay ng mag-asawa na may tatlong anak na lalaki. Si Nilda ay naglalaba lamang sa kapitbahay nila, at wala namang permanenteng trabaho ang kanyang asawa.

Biniro tuloy si Maine nina Jose at Wally kung hindi ba siya takot magpakasal kung sakali (patungkol ba ito kay Alden?).  Sagot ni Maine: “Hindi naman, dahil safe ako, sure ako at special ako.” Na dinugtungan ni Allan K na tama lamang dahil pareho naman silang masipag ni Alden.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with