^

Pang Movies

Marian hahataw na sa umaga

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Inamin ni Marian Rivera na hindi naman siya isang bihasang TV host, at talagang bago sa kanya ang assignment niyang mag-host ng isang morning show, iyong Yan Ang Mor­ning!

Mukhang napakabilis din ng kanilang paghahanda, dahil simula sa Lunes, ilalabas na ang kanilang pilot episode. Nakapag-taping na raw sila ng ilang advance na episode.

Naikuwento sa amin ng isang staff nila na dalawang araw pala sa isang linggo ang kanilang taping ng show. Meaning, may isang araw na dalawang show ang kanilang gagawin, at ang kasunod naman ay tatlong show ang kailangang tapusin. Pero kaya naman daw dahil mabilis ang kanilang trabaho. Kahit daw sinasabi ni Marian na hindi pa siya sanay sa hosting, nagagawa naman niya nang maayos iyon kaya mabilis din ang taping nila.

Bale 45 minutes lang naman ang show, dahil magsisimula iyon ng 10:45 ng umaga, at matatapos bago ang serye ni Ryzza Mae Dizon.

Pero mukhang punung-puno ng kung anu-anong material ang show. Kasi may segment sila para sa mga nanay. May segment sila ng pagluluto. May segment sila ng mga relasyon. May segment din sila ng mga issue at magtataka ka nga kung papaano nila maipapasok ang lahat ng kanilang materials sa napakaikling oras nila.

Palagay namin experimental lang iyan, dahil sigurado kakapusin sila ng oras at tiyak na sooner or later hahabaan na nila iyang show na iyan.

Hindi na rin bago ang ganyang format at program content ng isang morning show. Halos ganyan din ang content ng show nila noong araw, iyong Sis. Pero siyempre ang kaibahan nga lang ngayon, ang host nila ay si Marian Rivera.

Challenge ang show na iyan kay Marian. Second attempt na niya iyan sa hosting. Kung natatandaan ninyo, binigyan siya ng isang dance show noong araw, na sinasabi nga nilang baka siyang pamalit sa Vilma noong araw. Pero nagkaroon ng mga pagbabago, nag-asawa siya at nabuntis na, natigil ang show. Sana naman mapatagal niya ang morning show niya ngayon.

Mike Tan bagsak sa pagiging supporting actor

Mahirap talagang makasabay sa isang serye ang isang beteranong actor. Ang akala namin noong una, lulutang si Mike Tan at lalabas na siya ang leading man ni Andrea Torres sa Millionaire’s Wife.

Kasi siya ang boyfriend eh, at maaanakan niya si Andrea. Kaso talagang kahit na ano’ng tingin ang gawin mo hindi siya makapangibabaw sa acting ng mahusay na actor at beteranong si Robert Arevalo.

Hindi man siguro iyon ang intention ng serye, bagsak siya ulit sa pagiging supporting actor.

Ewan nga ba kung ano ang kulang diyan kay Mike Tan at hindi mapalutang nang husto ang kanyang career. Ngayon nakabalik na naman si Aljur Abrenica sa kanilang network, tiyak bawas na naman ang kanyang chances.

Kalat na Aktres na nabuntis, parang ayaw pakasalan ng lalaki

May narinig kaming tsismis mula sa isang network insider. Kalat na kalat daw na buntis na naman ang isang female star nila. Ito na ang kanyang ikalawang pagbubuntis kung sakaling totoo, at kagaya noong nauna, mukhang walang pag-asang pakasalan siya ng nakabuntis sa kanya.

Medyo pabaya naman kasi ang female star na iyan eh.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with