^

Pang Movies

Pati ama ‘di matulungan KC dedma sa pulitika

Jun Nardo - Pang-masa

Hindi na kailangang sumabit pa ni Kiko Pangilinan sa kanyang partido ngayong pa­nahon ng kampanya. Tumatakbong muli ang senador sa senado at masipag siyang mag-post sa social media ng sorties niya.

May Family Caravan kasi si Kiko kasama ang misis na si Sharon Cuneta at mga anak na sina Frankie, Miel, at Miguel. Sa latest post ay sa Dagupan, Pampanga, at Baguio ang destinasyon ng Family Caravan nila para sa kanilang second leg.

Hinahanap nga si KC Concepcion sa kampanya ng pamilya niya. Sinagot naman ito ni Angeli Valenciano, sister ni Kiko, na may mga provision sa contract ang isang artista na bawal magkampanya ng pulitiko.

Pero kahit ratsada sa kampanya, nagawa pa rin nina Kiko at Shawie ang kanilang wedding anniversary nitong na­ka­raang April 27. Napansin din ng marami ang pagkabawas ng timbang ni Shawie, huh! Ang isa pang showbiz couple na nag-celebrate ng kanilang 7th wedding anniversary ay sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

P.A., cameraman, at iba pa sakop din DOLE naglabas na ng Labor Advisory PARA sa MGA taga-TV at pelikula

Naglabas na ang ating Labor Secretary Rosalinda Baldoz ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng DOLE Labor Advisory No. 04 series of 2016 na nagri-regulate ng working hours ng nagtatrabaho sa movie at TV industry.

Ang isa sa laman ng advisory ay ang regulasyon na hindi lampas sa walong oras ang actual hours of work ng nagtatrabaho sa industriya. Kung kinakailangan silang magtrabaho ng mahigit sa walong oras, hindi puwedeng lumampas ‘yon sa 12 hours sa kahit anong 24-hour period.

Ang regulasyong ito ay tugon ng DOLE sa apela ng opisyal at kinatawan ng film and TV industry ayon kay Sec. Baldoz.

Ang pagkakaroon ng lawful working hours ay para na rin mapanatili ang kalusugan ng manggagawa dahil tulad ng makina, kailangan din nila ng pahinga upang mapanatili ang magandang work performance at output.

Sa mga 60 years old and above na nagtatrabaho, hindi dapat lumampas ng walong oras ang trabaho nila habang ang mga batang nagtatrabaho ay dapat sumang-ayon sa Republic Act No. 9231.

Ayon pa sa advisory, dapat covered din ng PAG-IBIG, SSS, Employer’s Compensation Program at iba pang related laws ang workers. Maging ang waiting time ay dapat ikunsiderang working time kung kaila­ngan nilang maghintay.

‘Yung talents ay binigyang depinisiyon na independent contractor na dapat ay governed ng Civil Code sa provisions sa contract pero hindi raw dapat mas mababa ang standards ng Labor Code.

Kasama sa workers na sakop ng advisory ay ang cameramen/editors, production assistants, managers at marami pang iba.

At least, merong naging konkretong resulta ng pa­na­wa­gang ito sa working hours sa ating industriya, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with