^

Pang Movies

Sa ngalan ng karir Jennylyn pumayag na magmukhang tanga

- Vinia Vivar - Pang-masa

Pumayag si Jennylyn Mercado sa deglamorized role sa pelikulang Just The 3 of Us dahil bukod sa napakaganda ng story, dream come true para sa kanya ang makatrabaho sina John Lloyd Cruz at Direk Cathy Garcia Molina.

Kung napapansin n’yo sa trailer, no make-up talaga si Jen sa movie, at pati ang hairstyle niya ay iba. Imagine, ang ganda ng hair niya noon, pero pumayag siyang pakulayan ito ng itim at kulutin dahil ito ang gusto ni Direk Cathy.

Kaya naman puring-puri siya ng box-office director for her professionalism.

“She allowed and she trusted me with that na i-allow ang sarili niyang magmukhang tanga. Bibihirang artista ang pumapayag sa gano’n because we always want to be beautiful, we always want to be nice. (Si) Jen, hindi niya inuna ‘yun. Mas inuna niyang maging ar­tista at mas inuna niyang gustuhing buhayin ‘yung character and for that, I really admire her,” pahayag ni Direk Cathy sa kanyang pana­yam sa mga writer na dumalaw sa set ng Just the 3 of Us.

Ayon pa kay Direk Cathy, tawa raw siya talaga nang tawa kay Jen habang ine-edit niya ang pelikula dahil nga sa mga nakakatawang eksena nito bilang CJ.

“It was Jennylyn who made the character. Of course, in every script, you have to peg characterization for every role. For every character, there is a parang katumbas na back story but it’s written on paper. The only one that gives life to it is the actress herself with the help of the other members of the cast. It could have been somebody else, it could have been a different CJ Manalo but that CJ Manalo became CJ Manalo because of her. And I am happy, I feel contented with how Jennylyn gave life to that character,” pahayag pa ni direk.

Showing na sa May 4 ang Just the 3 of Us sa mga sinehan.

Habang ‘di pa umeere ang serye Elmo at Janella, sa Probinsyano muna

Nagbabalik sa primetime si Jake Cuenca dahil pumasok na rin siya bilang guest sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Napapanood si Jake bilang si Jonas, isang rebeldeng anak na mayroong matinding hinanakit sa pamilya. At sa kanyang pag-iisa, pinili nitong maging drug dealer sa ilalim ng pamumuno ni Don Emilio (Eddie Garcia) kung saan kanyang pinuputirya ang malalaking clubs upang makasigurong makakalap ng maraming customers at malaking kita.

Samantala, bukod kay Jake, dapat ding abangan ang tambalan nina Elmo Magalona at Janella Salvador na magdadagdag ng kilig sa serye na siguradong ikatutuwa ng kanilang masusugid na tagasuporta.

At bagama’t hindi pa nagkikita ang kanilang mga karakter, naging matindi na ang reaksyon ng JanElmo fans sa online world at agad ipinaramdam ang kanilang pagkasabik sa pagiging parte ng magkapareha sa palabas

Heart nakipag-bonding sa MGA ANAK

Hindi na talaga maitatanggi na napaka-busy na ng husband ni Heart Evangelista na si Sen. Chiz Escudero dahil papalapit na nang papalapit ang eleksyon.

Kung noon, every weekend silang may family photo, nakakapag-mall at lunch out pa sila kapag Sunday, recently nga ay bihira na raw makapag-spend ng time with his family ang senador dahil sa kaliwa’t kanan ang commitments nito.

To the rescue naman ang kanilang Tita Heart sa kambal at kahit ito mismo ay tina-try i-juggle ang tapings, shootings, pagtulong sa campaign ng asawa at ang pagiging artist pa nito, at ‘di nakakalimutan ni Heart maging nanay kina Chesi and Quino, ang kambal ni Sen. Chiz.

Nitong Sunday nga ay lumabas pa si Heart with the twins kasama pa ang kanyang friend and stylist na si Kat Cruz.

Masayang nag-swimming ang apat at nag-post pa nga si Heart ng kanilang mga pictures sa Instagram.

Mas may bonding moments nga raw si Heart at Chesi dahil parehong babae, ay magkasundo talaga sila. Palagi nga itong binibihisan at isinasama pa ni Heart sa pagsa-shopping.

Kapag nga may event sa school na hindi mapupuntahan ni Sen. Chiz, ay si Heart ang uma-attend at nagsisilbing guardian ng dalawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with