^

Pang Movies

Vote buying talamak na sa Leyte!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naulinigan ko ang pag-uusap sa cell phone ng kasambahay ko at ng mga kamag-anak niya sa Leyte.

Ikinuwento ng nasa kabilang linya na nakatanggap siya at ang mga kapit-bahay nila ng tig-P1,500 mula sa representative ng isang presidentiable at ng running mate nito.

Malinaw sa akin na vote-buying ang ginawa ng mga kandidato na desperado na maluklok sa mga puwesto na tina-target nila.

Pero sinabi ng kausap ng kasambahay ko na kahit binigyan sila ng datung, ang pangalan ng mga  kandidato na talagang gusto nila na iboto ang kanilang isusulat sa balota. How nice ‘di ba?

Asahan natin na babaha ang salapi ilang araw bago mangyari ang eleksyon sa May 9 dahil sa mga kandidato na gagawin ang lahat para kiyeme-kiyeme na makapaglingkod sila sa bayan.

Vic sumugod sa Pasig

Nagkagulo ang mga residente ng Palatiw, Pasig City nang sumugod sa lugar nila si Vic Sotto para ikampanya ang kanyang anak na si Vico Sotto na kumakandidato na  konsehal sa 1st district ng Pasig City at  si Pasig Congressional candidate  Mons Ro­mulo, ang  nakatatandang kapatid ni Senatoriable Ro­man Romulo.

Nagulat ang mga taga-Pasig sa biglang pagda­law ni Bossing na hindi nila akalain na makikita nila nang personal. Basta para sa kanyang mga anak, may panahon si Bossing.

Kasama sa mga pangako ng tandem nina Mama Mons at Vico ang pagsulong sa increase ng social pension ng senior citizens mula P500 hanggang P1000 kada buwan.

Isa pa sa advocacy ni Mama Mons ang pagbaba ng singil sa  kuryente sa pamamagitan ng pagbabago sa Epira law.

Maraming beses nang bumisita sa Pasig si Vic para tulu­ngan sa pangangampanya ang anak nila ni Coney Reyes.

Mark Pingris mas excited pang magka-baby sina Bossing at Pauleen

Kahit abala na sa pangangampanya, naglaan din ng oras si Vico para sa birthday dinner ni Bossing na ginanap sa restaurant ng isang sosyal na resort sa Cebu City.

Noong Huwebes ang 62nd birthday ni Bossing na maligayang-maligaya dahil complete attendance ang kanyang mga anak at apo.

Nang hipan ni Bossing ang kanyang birthday cake at hilingan ng birthday wish, ang manugang niya na si Marc Pingris ang sumagot ng “Baby!”

Parang mas excited pa si Marc na magkaroon ng bagong anak ang kanyang biyenan na tatlong buwan pa lang na kasal kay Pauleen Luna.

Knowing Bossing, type na rin niya na magbunga ang pagmamahalan nila ni Pauleen. Mula nang magpakasal ang dalawa, marami ang nakapuna ng mga pagbabago sa ugali ni Bossing na mas masayahin at palabiro. Kakaiba talaga ang impluwensya kay Bossing ng misis niya.

Vico namana ang karisma ng ama

Masipag din si Coney Reyes sa pangangampanya sa kandidatura ng anak nila ni Bossing.

Ang sabi ng mga kakilala ko, malaki ang tsansa na mahalal na konsehal ng Pasig City si Vico dahil popular na popular ito sa mga kabataan at matatanda.

Namana yata ni Vico ang karisma ng tatay nito kaya threatened na threatened ang kanyang detractors na inaalis ang mga campaign poster niya.

Nagsasayang lang ng pagod ang haters ni Vico dahil kahit anong paninira ang gawin nila, gustung-gusto talaga ng  Pasig City residents ang bagets son nina Bossing at Connie.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with