^

Pang Movies

Marian nilambing ang direktor ng show

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Si Louie Ignacio ang direktor ng Yan Ang Morning!, ang morning talk show ni Marian Rivera na magsisimula nang umere sa May 2, 10:45-11:30 a.m.

Si Direk Louie rin ang direktor noon ni Ma­rian sa season one ng Marian, ang musical variety show ng actress sa GMA 7.

Nang magka-season 2 ang Marian, nawala si Direk Louie.

Nagkaroon ng issue noon na tinanggal siya. May nagpatanggal daw.

Marami nga ang nagulat nang si Direk Louie ang humahawak nagayon ng Yan Ang Morning!

May balita pa ngang si Marian mismo ang nag-request na si Direk Louie ang humawak ng kanyang daily mor­ning talk show.

“At least, vindicated ako. Siyempre, hindi ko naman ide-deny na may ganoong issue noon. Pero issue lang ‘yon dahil ang totoo, ang alam ko, one season lang talaga ang Marian noon.

“Hindi ko inakalang magkakaroon kami ng season two, kaya marami na akong projects na tinanggap. Tumanggap din kasi ako that time ng mga pelikula, kaya hindi na talaga ako pumuwede nang magkaroon ng another season ang show noon ni Marian.

“’Tapos nagkaroon nga ng ganoong issue na hindi naman totoo.

“Ngayon naman sa Yan Ang Morning!, nabalitaan ko nga na ni-request daw ako ni Marian, patunay lang na hindi totoo ‘yung issue noon na tinanggal ako sa show niya.

“At least, masaya na naman dahil magkasama kami ni Marian sa Yan Ang Morning!,” paliwanag ni Direk Louie.

Nilinaw din ni Direk Louie na nang i-conceptualize ang Yan Ang Morning! ay never nilang inisip na itapat ito sa Magandang Buhay nina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal sa ABS-CBN.

“Ang usapan na talaga noong una pa lang na nag-meeting, 10:45 a.m. na ‘yung show. Hind naman ito ginawa para itapat sa iba,” paglilinaw pa ng direktor ng Yan Ang Morning!

Sinehan mas magiging masigla... Salpukan ng JaDine kina John Lloyd at Jennylyn, siguradong susugurin ng fans

Hati pati ang ibang entertainment press sa tapatan ng mga pelikulang This Time ng Viva Films na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre at Just The 3 Of Us ng Star Cinema na unang tambalan naman nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado.

Sa presscon kahapon ng Yan Ang Morning!, habang naghihintay ang entertainment press na magsimula ang question and answer portion, nagkaroon ng survey ang iba sa entertainment press na um-attend.

Ano ang unang panonoorin – This Time o Just The 3 Of Us?

May mga sumagot ng Just The 3 Of Us, pero mas maraming nagsa­bing uunahin nila ang This Time dahil ang pelikula naman daw ng JaDine ang original sa playdate na ‘yon.

Pero mukhang pareho naman daw maganda ang dalawang pelikula, kaya malamang na panoorin nila pareho.

Sabi ko naman, baka mas maging masigla ang box-office next week dahil parehong maganda nga ang This Time at Just The 3 Of Us at malamang na magpaligsahan ang fans sa panonood.

Sabi naman ng iba, mukhang malakas din ang Mother’s Day hollywood movie na pinagbibidahan naman ni Julia Roberts.

Maganda raw kasi ang trailer ng pelikulang ‘yon.

Komento naman ng iba, baka umabot hanggang next week ang lakas sa takilya ng pelikulang Captain America: Civil War na napabalitang inatrasan daw ng Just The 3 Of Us (pero ang sabi ng mga taga-Star Cinema, hindi raw talaga natapos ang pelikula nila kaya hindi nai-showing ng April 27 na original playdate nila kaya ginawang May 4).

Anyway, dahil nga sa This Time at Just The 3 Of Us plus Mother’s Day, parang may mini-film festival next week.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with