^

Pang Movies

May mga banta sa buhay Kris dapat higpitan na ang seguridad

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Matapos na pugutan ng ulo ng bandidong Abu Sayyaf ang isang Canadian national, biglang umu­gong naman ang tsismis na may balak din daw ang bandidong grupo noon pa na kidnapin si Kris Aquino at si Manny Pacquiao o ang kanilang mga anak.

Palagay lang namin, napakalaking kasinunga­lingan naman iyan. Kasi kung talagang may ganyang banta, at may ganyang intelligence report, aba eh katakataka namang walang ginagawang proteksiyon sa dalawa ang mga pulis at ang militar.

Kung may ganyang banta, lalo na sa nagmama­laking isa siya sa pinakamalaking taxpayer ng bansa, aba eh baka isang platoon na ang escort niyan. Pero as it is hindi naman. Kung sa bagay, hindi naman siya bumabiyahe by land sa mga delikadong lugar. May presidential chopper naman siyang nagagamit, pero maluwag pa rin ang security nila kay Kris kung ganoon.

Lalo naman si Manny Pacquiao na nandoon mismo sa Mindanao at ang daling makuha ng Abu Sayyaf. Aba, eh wala naman siyang ganoon kara­ming protectors. Bakit inaasahan ba nilang dahil magaling siyang boksingero ay kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili?

Minsan naiisip nga namin, mabuti hindi nakalusot iyang BBL. Dahil kung nakalusot iyan, ang iiral na sa kanila ay isang Islamic Court, at sa batas nila ok lang na mapatay ang hindi naniniwala sa Islam. Kung iyon ang masusunod, legal lang na patayin ang Canadian, at ok lang siguro na kidnapin sina Pacquiao at Kris Aquino.

Kung may ganyan din namang banta, aba eh kahit na siguro gaano kahigpit ang pangangailangan hindi na dapat papuntahin sa Mindanao o kahit na sa Palawan lang si Kris Aquino para magkampanya. Dapat manahimik na lang siya sa Metro Manila kung saan mas ligtas siya.

Derrick ngayon lang nakatikim ng album

Sa totoo lang, medyo natawa kami roon sa statement ng baguhang si Derrick Monasterio na ang recording sa ngayon ay para sa sikat na lamang, hindi na para sa magagaling na singers.

Nakakatawa pero mukhang nangyayari nga dahil maraming magagaling na singers na hindi nakakatikim na magkaroon ng CD ganoong maraming non-singers na may CD at nagiging hit pa. Iyon siguro ang dahilan kung bakit pinagawa rin siya ng CD. Hindi rin naman singer iyang si Derrick.

Pero iyan ang nakakalungkot na estado ng industriya ng musika sa ating bansa. Ang magagaling talaga, hirap makakuha ng break. Kasi ang mga producer tinatamad na mag-produce ng album. Bukod sa malaki na nga ang gastos, isang araw lang ay kakalat na ang pirated copy. Papaano pa naman kikita ang isang producer?

Ang ginagawa nila, ‘yung novelty albums na lang. Iyong puwedeng kumita sa loob ng ilang araw lamang para makabawi sila. Tapos ok na kung mapirata man. Tutal ang bibili niyan mga fans lang na maaari nilang pagsabihang huwag bumili ng pira­ted. Piratahin man iyan, hindi naman iyan bibilhin ng mga naghahanap ng music talaga.

Kinokondisyon na ang mga tao sa scandal

Halata namin, may mga artistang gumagawa mismo ng isang scenario para maihanda ang mga tao sa isang lalabas na scandal na malamang sa hindi ay sila rin ang may kagagawan.

Kasi nagpo-post na sila ng mga dahilan, eh kagaya ng nanakaw na hard drive, tapos at saka lalabas ang scandal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with