^

Pang Movies

Willie imposibleng makulong

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Makukulong na nga ba si Willie Revillame? Mukhang hindi naiintindihan ng ma­ra­mi kung ano talaga ang nangyayari. Simulan natin iyan sa umpisa.

Nagsimula iyan noong pasayawin ni Willie ang isang batang lalaki na parang isang macho dancer sa rati niyang programa noon sa TV5. Matapos magsayaw, binigyan ang bata ng premyong sampung libong piso. Dahil doon, nagdemanda ang mga social worker ng gobyerno at inakusahan si Willie ng child abuse sa hukuman sa Quezon City. Iyan ay noong 2011 pa nangyari. Tapos noong 2013, sinabi ng hukuman na nakakita sila ng sapat na ebidensiya para papanagutin si Willie kaya naglabas sila ng warrant of arrest laban sa kanya.

Mabilis namang nakapagpiyansa si Willie kaya hindi siya nakulong.

Umapela si Willie sa Court of Appeals sa naging desisyong iyon ng mababang hukuman. Ngayon sinabi naman ng CA na sa tingin nila hindi nagkamali ang mababang hukuman sa desisyon kaya ipinatutupad nila ang warrant. Pero nakapagpiyansa na si Willie doon noon pa man kaya hindi na siya dadamputin. Haharapin na lang niya ang kasong isinampa sa kanya.

Ang sinasabi lang ng ilan na isang kakatuwa roon, nakasuhan si Willie, pero hindi nakasuhan ang mga magulang ng bata, at ang tiyuhin noon na umaming siya pa ang nagturo sa kanyang pamangkin na sumayaw na parang macho dancer.

Iyong mga magulang naman ang nagpresinta sa bata sa show. Siguro nga nagkamali si Willie nang sinakyan niya iyon, pero hindi masasabing ang nangyari ay sole responsibility ni Willie. Marami pa tayong masasabi sa mga bagay na iyan, pero dahil nasa hukuman na, kailangang hintayin na lang natin ang pasya ng hukuman diyan sa kasong iyan.

Palagay lang namin, isang over reaction naman iyong sinasabi ng ilan na dahil sa order ng CA ay dadamputin at makukulong si Willie, eh matagal na siyang nakapagpiyansa para sa kasong iyan.

Learning experience naman iyon para sa kanya. Noon ang akala niya katuwaan lang at bale wala iyon. Ngayon alam na niya at hindi na siguro niya uulitin sa Wo­wowin.

Sanya kinukwestiyon pa rin sa Encantadia

Ewan nga ba kung bakit minsan, parang nahihirapan tayong tanggapin na may mga baguhang nakakakuha ng isang malaking break. Hindi natin maikakaila na maraming artista ang naghahangad na makuha ang isa sa mga lead role sa Encantadia.

Marami namang artista ang GMA 7 na nag-aabang ng break. Kaya nang sabihin na ang isa mga lead roles ay napunta sa baguhang si Sanya Lopez, ang sumunod ay ang tanungang “sino naman iyon”.

Bihira kasi ang nakakakilala sa kanya. Maski nga kami ay hindi namin siya kilala eh. Iyon pala, isa siya sa discoveries ni Kuya Germs at naging co-host ng Walang Tulugan With the Master Showman noon. Ang dami rin naman kasing co-host na napapanood mo man minsan pero hindi na matandaan.

Anyway, maganda naman si Sanya at sinasabi nga niyang pinaghahandaan niya ang role niya. Maraming sinasabing workshops at iba pang pagsasanay, pati sa fight routines na kailangan niyang matutuhan, na pinag-aaralan naman niya. Siguro naman may dahilan kung bakit siya ang napili sa rami ng kanilang nai-audition at available talents.

Tayo naman, dapat tingnan muna natin kung ano nga ba ang magagawa ng isang baguhang kagaya niya. Hindi naman puwedeng iyon at iyon na lang din ang mapapanood nating mga artista dahil pagsasawaan din naman natin. Dapat talaga every now and then, may mga baguhang mabibigyan naman ng break kagaya nga niyang si Sanya. Hindi puwedeng laging iyon at iyon na lang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with