^

Pang Movies

Kahit siyam na taon na ang relasyon Rodjun wala pang planong pakasalan si Dianne

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dumalaw kami sa set ng Pagkatapos Ng Isang Umaga (The StoryLove) sa Silang Cavite na idinidirek ni GM Aposaga. Dinatnan namin doon si Dianne Medina, Maria Isabel Lopez at anak.

Akala namin ay nasa Amerika pa si Dianne kasama si Rodjun Cruz.

Pero nakabalik pala sila agad after ng laban ni Manny Pacquiao na dahilan ng pagpunta nila roon. Nine years na pala sina Dianne at Rodjun pero wala pa silang plano magpakasal.

Hindi raw nila pinag-uusapan ito although gusto na ni Dianne. Hinihintay na lang ni Dianne ang proposal ni Rodjun na sa career naka-focus at mukhang nag-iipon pa. Sabi nga ni Rodjun kung magpo-propose siya ay sosorpresahin na lang niya si Dianne. Nasa 30 years old na pala si Dianne, nasa edad na para mag-asawa.

Sige ka Rodjun kapag nainip ‘yan baka sa iba mapunta.

First cousin pala ni Dianne si Maxine Medina na nanalong Bb. Pilipinas-Universe. Super close si Dianne kay Maxine at kaya kapag naba-bash ito ay si Dianne ang tagapagtanggol nito.

Kasama sa cast ng indie movie na ito si Francis Magundayao na binatang-binata na. Crush pala nito si Barbie Forteza. Wala raw siyang girlfriend sa ngayon at focus siya sa trabaho.

Ang mommy pala niya ay nagma-manage ng Grace Colleges sa Caloocan na pag-aari nila. Kaya well-mannered itong si Francis na may magandang boses na puwedeng radio DJ.

Pangatlong movie na ito ni Direk GM Aposaga at tinanggap niya ang project na ito bilang tulong sa producer na biktima ng ibang nangangarap na maging director kahit walang alam.

Janine at Aljur, mabilis na nagklik

Mabilis na nagkasundo ang bagong love team ng Kapuso Network na sina Janine Gutierrez at Aljur Abrenica. Nagkasama na ang dalawa sa seryeng Dangwa, pero ayon sa kanila ay ngayon pa lang talaga sila nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang isa’t isa.

Isa raw sa dahilan kung bakit mabilis silang nagkasundo ay dahil sa iba’t ibang coincidences nilang dalawa. “May mga pagkakataon na napapaisip kaming dalawa, gaya nung first meeting namin para sa project, nagkapareho kami ng damit. Tapos pareho pa kaming panganay at apat na magkakapatid. May mga ganong coincidences kaya nakakatuwa kasi para kaming soulmates,” kwento ni Aljur.

Kim Domingo walang paki kahit hinuhusgahan ang pananamit

Hindi maiiwasang may humusga sa pagkatao ng Kapuso star na si Kim Domingo dahil sa kanyang pananamit. Pero hindi siya nagpapaapekto dahil naniniwala siyang ang ugali ng isang tao ay hindi nakikita sa itsura lang. “Kahit ano namang isuot mo o sabihin mo, may masasabi ang ibang tao. Kaya mas magandang be yourself na lang” dagdag ng Kapuso actress.

Michael V nasa engrandeng bakasyon

Kahit nasa engrandeng bakasyon ang pamilya ni Michael V ay hindi niya pinapabayaan ang Bubble Gang at ang Pepito Manaloto na tumatak sa isipan ng mga tao. Kaya magagandang episode pa rin ng Bubble Gang at Pepito Manaloto ang mapapanood natin gaya sa Sabado ay si PJ Abellana ang guest sa Pepito Manaloto after 24 Oras.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with