Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Luis hinihintay ang pasabog sa birthday ni Angel!

Sorpresahin kaya ng gift, dalaw o whatever ni Luis Manzano ang kanyang ex na si Angel Locsin, who marks a birthday on Saturday, April 23?

Hindi raw pala ibinalita kaagad ni Luis sa kanyang mommy, Batangas Governor Vilma Santos-Recto, ang tungkol sa hiwalayang namagitan sa kanila ni Angel. Kaya nabigla raw ito nang inamin niya sa ina ang katotohanan.

Obviously, plantsado na sa isipan ni Ate Vi na si Angel ang kanyang magiging daughter-in-law sa kanyang panganay.

These days pala, when he is not busy, Luis helps his mom sa pangangampanya nito sa Lipa City, where she is running for congresswoman.

Open din ang pagsuporta ni Luis sa amang si Edu Manzano, who is running for senator, and his stepdad, Senator Ralph Recto, who is running naman for reelection.

Sidekick ni Chiquito na mahigit 80-anyos na, naghahanap ng raket

Remember Tintoy, who serves as sidekick to the late comedian, Chiquito?

Well, he is in his 80’s na pala, accor­ding to Jessica Soho,  who featured him in her TV prog­ram, Kapuso mo, Jessica Soho.

Type na type pa raw ni Tintoy na makagawa ng pelikula. O, gumanap sa TV kaya.

Any takers?

Actually, aliw kami sa features na ipinalabas ni Jessica sa kanyang programa last Sunday. Lalo na ‘yung tungkol sa report niya sa magkasintahang halos magkasunod na naging top notcher ng one after the other, kumuha sila ng board exams in chemical engineering.

Julius laging may ‘pakimkim’ sa mga iniinterbyu

Avid follower din kami ng programang Mission Possible ni Julius Babao, aired Mondays, after the newscast, Bandila, on ABS-CBN.

Mga pang-human interest ang kanyang features, since mostly ang kanyang mga subject ay pangkaraniwang tao at mga pangkaraniwang nangyayari sa kanilang buhay.

Siguradong marami sa mga sumusubaybay sa programa ang nakaka-relate sa mga interview ni Julius and the topic being discussed.

Like in last Monday’s feature where ang tinalakay ni Julius ay tungkol sa isang batang ayaw magpatuli (circumcise), kahit ano pang pilit sa kanya ng kanyang lola.

Well, dahil sa magandang paliwanag ni Julius, finally napapayag din ang bata.

Hindi imposibleng misyon. Pero, nakatutuwa pa ring mapakinggan o mapanood.

At heto ang most interesting part, sa tuwina ay may “pakimkim” si Julius sa kanyang mga interviewer. Na sa isang mahirap ay malaking tulong.

In the case of this lola, binigyan ni Julius at ng kanyang staff ito ng mga additional goods na puwedeng ipagbili nito sa kanyang sari-sari store.

Ang nabanggit na tindahan daw ang source ng kanyang income, na siyang ibinubuhay niya sa mga apo. All six of them, including a sanggol.

Sana, naitanong ni Julius sa lola kung ano’ng papel sa buhay ng kanilang mga anak na nasa kanyang poder ang mga ginagampanan ng mga magulang nito.

At bakit niya tinu-tolerate? Mission Possible ba?

Isabel Rivas magiging lola na

Speaking of lolas, lola to be na ang dating sexy star na si Isabel Rivas, since kasalukuyang nagdadalang-tao raw ang kanyang manugang na si Nadine Samonte, maybahay ng kanyang nag-iisang anak.

Sa vast farm nila sa Iba, Zambales namamalagi si Isabel, kasama ang kanyang anak at si Nadine.

Ang anak ni Isabel ang namamahala ng farm, na pawang pang-negosyo ang mga pananim.

Best friends sina Isabel at Lorna Tolentino, na lola na rin, courtesy of her panganay with her late husband, si Rudy Fernandez, si Rap Fernandez.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: