Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ang pag-ibig nga naman Xian nagmadaling bumalik ng New York para sa birthday ni Kim

Kaya pala walang “ingay” na naipagdiwang ni Kim Chiu ang kanyang 26th birthday ay dahil she is still in New York taping for her series, The Story Of Us.

Kim, as we all know, marks her birthday April 9, tulad nina former president and now Manila Mayor Joseph Estrada and Bimby Yap.

Xian Lim, Kim’s leading man and rumored reel and real-life sweetheart, was in the country, dahil naging co-host siya ni KC Concepcion sa katatapos na Binibining Pilipinas pageant. Kaya naman naiintindihan ni Kim kung wala man si Xian sa New York para i-greet siya nito ng happy birthday personally.

No wonder, reports said, she appeared not only happy but overwhelmed, when Xian, at her simple birthday party appeared, at may kasama pang bouquet of flowers, plus of course, a tight hug and you know what.

Ang pag-ibig nga naman.

Kathryn hindi pa nabibili ang gustong motor ni Daniel

Speaking of birthdays, exactly 21 years old na si Daniel Padilla this year.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Obvious na hindi pa naibibigay ni Kathryn Bernardo ang birthday gift na hinihiling niya sa ka-love team.

Isang motor lang naman.

Luis at Angel, magkasunod na magbi-birthday

Guess kung sino ang ka-birthday ni Angel Locsin when she turns a year older naman on April 23?

Answer: No less than vice presidentiable Leni Robredo, who was born April 23, 1964.

No need to tell us what her wish for her 51st birthday is.

Luis Manzano naman, who turned 35 April 21 (today ito, ha), revealed na that he will, in time, consider a political career.

Which is not surprising din naman, since her mom and dad, Vilma Santos and Edu Manzano, are in politics. And so is his step dad, Se­nator Ralph Recto, who is running for reelection.

Ate Vi, whose term as Batangas Governor ends this election, is running for representative for the sole district of Lipa City.

Edu, who served as Makati vice mayor many years back, is eyeing naman a senatorial post.

Andeng abala rin sa pangangampanya

Who else among our local celebrities are running na hindi pa gaanong well-publicized?

Well, there is Chiqui Roa-Puno, daughter of Boots Anson Roa-Rodrigo, na ang pinupuntirya naman ay ang dating post as Antipolo Representative ng asawang si Robbie Puno.

Madalas daw mag-cross ang landas nina Chiqui at Andeng Ynares, younger sister ni Senator Bong Revilla, whose husband naman, incumbent Antipolo Mayor Jun Ynares, is running for reelection.

Three other members ng family ni Andeng are running for public office: Her brother Strike Revilla, who served as Bacoor City Mayor for three terms, is running for Bacoor City Representative, ang office na iiwanan ni Lani Mercado, wife, of course, ni Senator Bong, na siyang tumatakbo ngayon bilang mayor ng siyudad.

Of course, Andeng’s nephew, Jolo Revilla, is running anew for the post of Cavite City Vice Governor.

Vice Gov. Jolo is the second son nina Cong. Lani at Se­nator Bong Revilla.

19 days na lang, halalan na

Baka nga pala makalimutan natin, we have only exactly 19 days bago mag-election day on May 9.

Sana, this early may ideya na tayo kung sinu-sino ang ating mga iboboto.

Iboto natin ang mga kandidatong alam nating makaka­tulong para umunlad ang ating bayan at tayo bilang mga mamamayan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: