^

Pang Movies

Tamis-tamisan sa hot air baloon Matteo at Sarah lantaran na ang lambingan

- Vinia Vivar - Pang-masa

Going strong talaga ang relasyon nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo dahil kahit gaano sila ka-busy, napaglalaanan nila ng oras to spend time with each other na kung tutuusin ay napakahirap gawin.

Kahapon ay namataang magkasama sina Sarah and Matteo sa International Balloon Festival 2016 sa Lubao, Pampanga. Magkasamang sumakay ng hot air balloon ang showbiz couple at sweet na sweet ang kanilang mga larawan na nakita namin sa ABS-CBN online news.

Sa isang larawan ay makikitang magka-holding hands sila, sa isa naman, nakaakbay si Matteo kay Sarah habang si Popstar naman ay nakahawak sa baywang ng boyfriend. In another picture, nakayakap ang aktor nang mahigpit sa baywang ng GF.

In fairness, they really look good together at bilib kami sa kanila for staying strong kahit sobrang dami ng intriga sa kanilang relasyon to the point na linggu-linggo yata ay may issue sa kanila.

Julie Anne gumawa ng sariling paraan para sumikat

Hindi akalain ni Julie Anne San Jose na maabot niya ang 10 taon sa showbiz industry at mararating ang kinalalagyan ngayon dahil say niya, ang dami rin niyang obstacles na dinaanan.

“Noong unang-una pa lang,” pagre-recall niya sa presscon ng kanyang In Control 10th Anniversary concert, “si papa, ayaw niya talaga na nasa showbiz ako. Noong nagsisimula pa lang ako, sinasabi niya palagi, “Julie, stop mo na ‘yan, kasi wala kang makukuha riyan”. Alam mo ‘yung mas marami ka pang ginagastos kaysa sa ini-invest mo.

“Pero syempre, para po sa akin, nung mga early years ko pa sa showbiz, ang sabi ko sa kanya, “sige, let’s try this na sana, mag-work”. Pero dumating du’n sa point na parang walang nangyayari.”

Kaya ang ginagawa raw niya ay gumawa siya ng sariling paraan para makilala at ma-showcase ang talent niya.

“Nandiyan ‘yung YouTube, nag-start akong mag-Ustream, gumawa ako ng mga YouTube videos, hanggang sa magkaroon po ako ng shows, concerts, gigs, ganu’n. Nag-start po ako sa maliit hanggang sa palaki nang palaki.

“And siyempre, hinding-hindi po ru’n mawawala ‘yung mga taong talagang sumusuporta sa akin from Popstar Kids, from day 1 hanggang sa kung nasaan man po ako ngayon.”

When it comes to challenges, ani Julie Anne ay hindi rin naman siyempre mawawala ‘yun tulad nga ng bashers and haters niya.

“Pero ako naman po, hindi ko naman sila pinapansin and they can’t stop me and they won’t stop me from doing what I’m doing. Kasi, ito po talagang ginagawa ko ay para po sa mga taong nagmamahal sa akin and gusto ko rin pong ibigay sa kanila. Gusto ko ring i-give back and i-share kung anuman pong meron ako na binigay sa akin ni Lord,” she said.

Good decision naman na hindi tumigil si Julie Anne dahil ngayon nga ay sikat na siya at may titulo nang Asia’s Pop Sweetheart.

Sobrang excited si Julie Anne for the concert at sa buwan ng Mayo dahil napakarami raw kaganapan sa nasabing buwan. For one, ang In Control concert niya ay gaganapin sa May 14, 8pm sa Kia Theater in Araneta Center, Cubao.

Bukod dito ay graduating pa siya sa kursong Communication sa Angelicum kaya nai-stress nga raw siya sa dami ng requirements sa school.

Ngayong May na rin niya ire-release ang kanyang bagong album plus birthday pa niya sa May 17. She will be turning 22.

“Sabay-sabay sila ngayong May so ang dami pong celebrations na magaganap,” she said.

In Control is being produced by GMA 7 and Dreamstar Events Management. Si Marvin Caldito ang director at ang musical director naman ay si Marc Lopez. For tickets, you can call Ticketnet.

Dominic 20 years naghintay bago naging bida

Happy si Marvin Agustin para sa kaibigang Dominic Ochoa dahil finally, dumating na rin ang big break na hinihintay nito at bida na sa seryeng Super D ng Dreamscape Entertainment. “I’m very very happy for my friend, Dominic. Di lang bida, lumilipad pa. May costume,” pagbibiro ni Marvin. Twenty years din ang pinaghintay ni Dominic bago maging bida kaya naman super happy rin ang aktor mismo.

“I’m very thankful and blessed when they offered me this role. Masayang Pasko sa akin last year nang ibinalita ‘to at siyempre, ikinagagalak ko na gampanan ‘yung role. It didn’t matter to me whether it’s small or big or whatever, kahit anong role naman na ibinibigay sa atin, ang akin lang, I wanna make sure na you give 200% of kakayahan mo. Kung sa tingin ng iba, hindi sapat, sa akin, basta I make sure na gagalingan at gagalingan ko.

“Natutuwa ako dahil nataon itong role na ‘to dahil isa po akong ama sa isang kwatro anyos na bata and ito po ‘yung tinatalakay natin ngayon sa story natin, ‘yung relasyon ng isang ama at isang anak at ‘yung naghiwalay na asawa, broken family na ipinaglalaban ‘yung pagmamahal niya sa anak,” say ni Dom.

Magsisimula na sa April 18 ang Super D bago mag-TV Patrol.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with