^

Pang Movies

Walang paki sa mga naninira James, kay Nadine lang umiikot ang mundo!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kumbinsido ang mga reporter na bumisita sa set ng This Time na for real at hindi for reel ang love affair nina James Reid at Nadine Lustre dahil sweet na sweet ang isa’t isa.

Winner na winner ang aura ni Nadine na lalong gumanda mula nang aminin nila ni James sa publiko ang kanilang relasyon na ikinaimbyerna ng mga nagpapantasya sa aktor.

Sorry na lang sa mga nag-iilusyon kay James dahil kay Nadine lang umiikot ang mundo niya. Ang sey ni James, wala siyang pakialam sa mga sasabihin at paninira ng ibang mga tao dahil mas mahalaga na maligaya sila ng kanyang girlfriend na feeling so mahaba ang buhok.

Laos na nga, luka-luka pa aktres na home-wrecker, tinakasan na ng katinuan!

Kadiri talaga ang isang has-been na aktres na walang preno sa pagkukuwento tungkol sa kanyang lovelife at sexlife.

Salaula sa dilang salaula ang aktres na hindi na binigyan ng kahihiyan ang pamilya niya.

Tinakasan na yata ng katinuan ang hitad dahil hindi nito inisip na may mga magkakarelasyon na posibleng mag-away o magkahiwalay dahil walang preno ang bibig niya. Kung sabagay, may image na home-wrecker ang laos na aktres at dahil hindi siya maligaya, gusto niya na maging mi­serable rin ang buhay ng mga tao sa kanyang paligid.

Lumabas sa Vanity Fair anak ni Gretchen nakahilera sa mga anak ng mayayaman sa buong mundo

Sure ako na bumili si Gretchen Barretto ng maraming kopya ng Vanity Fair magazine dahil may picture sa March 2016 issue ang kanyang anak na si Dominique Cojuangco.

Proud mother si Gretchen at proud father si Papa Tonyboy Cojuangco dahil ka-join si Dominique sa elite list ng mga debutante.

Kung kilala natin si Gretchen, tiyak na may-I-share niya sa kanyang social media followers ang short article tungkol sa unica hija nila ni Papa Tony.

To be fair, last year pa ikinukuwento ni Gretchen na kasali sa 2015 Bal des Debutantes si Dominique at mula sa London, nagpunta sila sa Paris para sa pictorial at bonggang party ng sosyal na event.

Noon pa ibinahagi ni Gretchen ang mga picture ni Dominique na Vivien Westwood ang red gown na suot. Pati si Dominique, nag-share din ng karanasan niya sa Bal des Debutantes.

Sa pagkakaalam ko, hindi si Dominique ang unang Pinay na nakasali sa listahan ng Bal des Debutantes.  ‘Yun nga lang, nakalimutan ko ang name ng girl na mula rin sa richie rich na pamilya.

Claudine araw-araw pa ring nami-miss si Rico

Nalungkot ang fans nina Rico Yan at Claudine Barretto nang mapanood nila ang short video ng pagdalaw ng aktres sa puntod ng dating karelasyon.

Noong Lunes, March 14, ang 41st birthday ni Rico at hindi nakaligtaan ni Claudine na puntahan sa Manila Memorial Park ang libingan ng boyfriend na namatay noong 2002.

Kasama ni Claudine sa pagdalaw si Santino, ang anak nila ni Raymart Santiago. Tanging si Claudine ang nakakaalam kung paano nito ikinuwento kay Santino ang naging bahagi ni Rico sa buhay niya.

Inamin ni Claudine na araw-araw niya na nami-miss ang sumakabilang-buhay na boyfriend na lalong nagpalungkot sa loyal fans nila na umasa na sila ni Rico ang magkakatuluyan.

Nagsisimula pa lamang ang relasyon nina Claudine at Raymart nang mamatay sa Dos Palmas Resort sa Palawan si Rico. Good Friday nang bawian ng buhay si Rico at hindi pa naiimbento noon ang social media kaya marami ang nag-akala na imbento ang balita.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with