Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ate Vi gustong magka-talk show!

Isa sa mga inaaasahan ng fans ni Governor Vilma Santos, pagkatapos ng kanyang term ay baka finally maharap na rin niya ang matagal nang naghihintay sa kanyang TV show.

Kung natatandaan ninyo, bago siya nag-desisyong tumigil sa telebisyon dahil gusto na nga niyang magbuntis noon, ang TV show ni Ate Vi ang highest rating musical variety show, at si Ate Vi noon ang highest paid television star.

Iyon nga ang panahon na ang tsismis pa, basta raw may hinihingi ang union sa management ng GMA noon, itatapat nila ng Biyernes, kasi tiyak na ok iyon dahil hindi mapapayagan ng GMA na hindi matuloy ang show ni Ate Vi dahil napakalaki ng mawawala sa kanilang advertising revenues.

Matagal nang may offer ulit kay Ate Vi na bumalik sa telebisyon, pero hindi niya magawa kahit na noong una ay nasagutan na niya, kasi nga wala naman siyang time talaga para maisingit iyon dahil sa rami nang iniintindi niyang trabaho sa kapitolyo ng Batangas.

Kaya ang tanong nila, ilang araw na lang naman ang natitira at aalis na siya sa kapitolyo, mahaharap na kaya niya ang isang TV show.

Inamin naman ni Ate Vi na nami-miss na rin niya ang telebisyon, pero mabilis niyang sinabi na siguro naman hindi na niya magagawa ang kagaya ng show niya noong araw. Noon, hindi lang mahirap kundi time consuming pa. Iyon lamang rehearsals para sa kanyang sayaw na siya nilang laging opening number, inaabot nang kung ilang oras. Talagang may one day na siya para sa dance rehearsals lang. At ang natatawa pa nga niyang sabi, “hindi na rin tayo bata.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

 “At saka parang hindi na naman bagay sa akin ang ganoong show,” ang nasabi pa niya.

Kaya ang gusto sana niyang gawin ay isang talk show na hindi naman tsismis sa showbiz. Hindi siguro maiiwasan ang mga usapang showbiz, kaya lang ang gusto niya ay isang show na kung saan maaari ring mapag-usapan ang mga issue, at iyong kanyang mga advocacy.

 “Maraming magagawa sa TV, pero ayoko na munang pag-usapan iyan,” pagtatapos ni Ate Vi.

Panday hinihiling na araw-arawin

 “Sana gawin nang daily ang Panday,” sabi ng isang nagpadala sa amin ng e-mail. Kasi nga raw bitin ang kanilang panonood. Kung daily nga naman, mas masasanay ang mga taong susubaybay noon. Mas madaling makapag-shift sa viewing habits ang mga taong dati siguro ay nasanay nang nanonood ng ibang shows.

 “Kasi kung hindi araw-araw, ano ang panonoorin mo sa mga araw na walang Panday? Hindi ka naman makakapanood ng iba dahil siyempre hindi mo na alam ang kuwento nila dahil nanonood ka nga ng Panday. Kung ganoon, malamang sa hindi na hindi sila lumipat,” sabi pa ng nag-email.

Ang problema nga siguro ay iyong available time slot naman sa TV5. Pero palagay namin magagawan naman iyan ng paraan. Hindi kaya puwedeng sa ibang time slot sa ibang araw na puno ang kanilang prime time para tuluy-tuloy lang ang istorya?

Malakas ang dating ng Panday sa fans. Isipin mo nga naman, ang tagal nilang hindi napanood sa isang serye si Richard Gutierrez. Pero papaano nga naman kung hindi daily ang show?

Pero paniwala namin, gagawin ng TV5 kung ano ang pinakamaganda para mapagbigyan ang mga tagahanga na gustong mapanood daily ang Panday.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: