Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Apela ng fans James Reid gawing leading man ni Ate Vi?!

Sa takbo ng mga usapan sa social media, mukha ngang ang gusto ng fans ay maitambal na naman si Governor Vilma Santos Recto sa mga younger boys. Ewan kung saan sila nagkita at nakunan ng pictures, pero nang may maglabas ng pictures ni Ate Vi kasama si James Reid ay may mga ideya nang nabuo sa isipan ng fans na sana ay magkasama silang dalawa sa isang pelikula. Sinasabi pa nilang mas preferred nila si James kaysa sa iba.

Noong lumabas naman ang statement ni Gerald Anderson na gusto niyang makagawa ng pelikula na kasama si Ate Vi, may iba namang nagsabi na mukha ngang bagay ding pagsamahin ang dalawa sa isang pelikula, at sinasabi nila na dahil better actor nga si Gerald na napatunayan na naman niya, mukhang mas match sila ni Ate Vi.

Hindi naman ito ang first time na gagawa si Ate Vi ng pelikula, kung sakali man, na mas bata ang kanyang leading man. Pero hindi sa leading man iyan eh. Depende iyan sa istorya at execution sa proyekto.

Actually doon naman talaga particular si Ate Vi, kung ano nga ba ang kuwento, kaya ang hinihingi niya basta may mga project proposal ay script talaga. Kasi nga naman makikita mo na more or less kung ano ang kalalabasan ng pelikula. Kahit na sabihing ang script ay nababago rin habang tumatakbo ang shooting, may idea ka na sa kabuuan at kung ano man ang magiging pagbabago habang nagsu-shooting, alam mo.

Minsan nga nasabi ni Ate Vi, noong araw naranasan na niya ang pabilisan ng paggawa ng pelikula. Kasi naman noon halos dalawang beses isang buwan kailangan may pelikula siyang ginagawa. Mataas kasi noon ang demand sa pelikula at natural lang na ang mga box office stars na kagaya niya ang pagawin nang pagawin ng pelikula. May mga lumabas noon na mga ordinaryong pelikula lamang. Kumikita pero hindi mo talaga maipagmamalaki. Aminado si Ate Vi na may mga nagawa rin siyang ganyang uri ng proyekto noong araw.

Pero noong mag-mature na nga siya bilang isang aktres, hindi na siya tumanggap ng mga patakbuhing pelikula.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sharon hindi na bagay na judge?!

Maingay na naman ang fans, naghahanap na naman sila ng isang musical show para sa Megastar na si Sharon Cuneta. Nakita kasi siya sa isang special kamakailan lang, at masasabi ngang talagang iba pa rin ang kanyang boses.

Talagang medyo malaki pa rin nga si Sharon ngayon at siguro hindi pa makagagawa ng pelikula, kaya sinasabi nila na sana ay isang musical na TV show.

Siguro kailangan na niyang isipin na kung hindi siya makasisingit sa ABS-CBN, may iba namang mga network na magiging bukas para sa kanya. After all, per project lang naman ang kontrata niya sa Kapamilya.

Palagay nga namin kailangang pag-aralan na ni Sharon ang lahat ng possibilities ngayon, maliban na lang kung talagang nasa isip niyang mag-retire na sa kanyang career. Matagal na rin naman siyang walang project. Nakikita siya bilang judge sa isang contest pero sapat na nga ba iyon?

Kailangan ay isang proyekto kung saan niya mailalabas ang kanyang galing, at siguro nga sa isang musical show iyon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: