Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nagkaalaman na Gerald umaming ‘guilty’ sa ginawa kay Maja!

Guess, Salve A., who was at the presscon for the Gerald Anderson-Arci Muñoz starrer, Always Be My Maybe, na matiyagang nakikinig sa mga tanong ng members of the press at mga sagot, in return, nina Gerald at Arci, pati pa ng ibang members ng cast na sina Jane Oiñeza, Cacai Baustista, at Ahron Villena?

Gerald’s Filipino Mom (his Dad is an Ame­rican), who came all the way from Gensan City.

“She will be Gerald’s Valentine,” nakangi­ting bulong sa amin ng isang co-writer. “Loveless si Gerald ngayon, ‘di ba?”

The presscon for Always … happened kasi three days before Valentine’s day.

During the presscon, Gerald didn’t mince word when he said he is more of the guilty person why he and Maja Salvador, broke up.

Previous to Maja, naging sila rin ni Kim Chiu. At hindi rin naging maganda ang hiwalayang naganap sa kanila. Tulad ng kay Maja.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

But he is now friends again with both, Gerald said.

Of why walang napabalitang tinangka niyang ligawan si Arci, while they were shooting for Always…, it’s obvious na from the start na hindi inilihim ni Arci that she is taken na.

At the presscon, however, hindi nagsalita ng ga­ano si Arci tungkol sa kanyang boyfriend. Baga­ma’t obvious na hindi ito nasa showbiz.

Hayan tuloy, ‘di namin naitanong kay Arci ito kung she would advise Gerald na for his next girlfriend, mas makakabuting hindi taga-showbiz ang kanyang piliin.

Kung sabagay, sino nga ang puwedeng magdikta ng puwedeng ibigin ng isang umiibig.

Ynna malapit nang magmartsa

Kusa palang desisyon ni Ynna Asistio ang mag-lay low muna sa showbiz, para makapag-concentrate raw siya sa kanyang pag-aaral. She is in her last semester, bago siya maka-graduate in her course, Broadcasting, at the Centro Escolar University (CEU). Type rin daw kasi niyang mag-work sa TV, actually not just in front but behind the cameras as well.

Right now, what takes most of Ynna’s time, maliban sa kanyang pag-aaral ay ang kanyang pagiging endorser ng The Aura Ruz Aesthetics and Medical Group.

“They are helping me prepare for my comeback sa showbiz,” ani Ynna. “Lately kasi, I’ve gained some weight. Napansin ko rin nagkakaroon ako ng unwanted pigment in my skin.

“Sabi sa akin ni Ms. Ruz (owner of the beauty clinic), thru proper treatment daw, na all invasive, magiging clear ang aking skin.

“I look forward to that,” nakangiting saad ni Ynna, whose mom is former Regal Baby Nadia Montenegro.

Nadia nakikipagtsikahan din sa mga taga-Barangay

Of Nadia, busy siya with showbiz work these days. She is in the cast of the new series, Tubig at Langis, where she plays mother ni Cristine Reyes.

Tubig at Langis stars Zanjoe Marudo, Isabelle Daza, Vivian Velez and a number of others.

Nadia is seen daily, too, with good friend Arlene Muhlach, as one ot the brief case beauties featured daily (weekdays) in the game show, Deal or No Deal, hosted by  Luis Manzano.

Enjoy daw ang magkaibigan na nakisalamuha sa mga taga-Barangay, kung saan madalas ginaganap ang nasabing show.

“Sa kanila ko nalaman kung ano ang kanilang opinion sa mga kandidatong tumatakbo ng mahahalagang posisyon sa gobyerno,” saad ni Nadia, na ang ama ng mga anak na si Boy Asistio is a member of the powerful Asistio political clan in Caloocan City.

Apong pinapangarap ni Ate Vi kina Luis at Angel, malabo na

Salve A., tanong lang: ano kayang take ni Batangas Governor Vilma Santos sa usap-usapang malamang nagkaroon na, kung hindi man may nangyari nang closure sa hindi pagkakaunawaang namagitan kina Luis Manzano, her son at Angel Locsin, bago umalis ang huli for a medical check up sa kanyang spinal injury? Open na open pa naman siya sa pagnanais na magkaroon ng apo this year sa dalawa.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: