^

Pang Movies

Matapos mag-road trip Maine kalendaryo ang Valentine gift kay Alden!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Dahil araw ng mga puso ngayon, maraming nagtatanong kung magiging friends na ba ulit sina Eugene Domingo at Jose Manalo.

Hindi naman lihim na may tampo si Uge kay Jose dahil umalis ito as one of her co-hosts sa Celebrity Bluff.

Today ay guest si Uge sa Sunday PinaSaya (SPS) kaya maraming naghihintay kung pagsasamahin sila sa eksena dahil si Uge ay maggi-guest sa segment ni Wally Bayola na Coach Cynthia School of (Over)Acting.

Magpu-promote kasi si Uge ng first comedy anthology ng GMA 7, ang Dear Uge na magpi-premiere telecast na mamaya, pagkatapos ng noontime comedy variety show.  Special guests ni Uge sina Tom Rodriguez at Cacai Bautista sa episode na Love At First Sight directed by Dominic Zapata.  Sidekick naman ni Uge sa show ang mahusay na actress/comedian na si Divine Grace Aucina.

Hinihintay din ng AlDub Nation, fans nina Alden Richards at Maine Mendoza, kung maggi-guest ba si Maine sa SPS.

Ang alam namin, hindi pwede si Maine dahil every Sunday ay family day nila, bonding dahil Valentine’s Day.  Pero kung wala man si Maine sa studio, siya naman ang magri-request ng putahe na lulutuin ni Alden sa segment na Chef Boy Next Door with Jerald Napoles. Balita rin namin na hindi magkasama sina Alden at Maine dahil magpa-fami­ly bonding din si Alden with his family naman for Valentine’s Day pagkatapos ng Sunday PinaSaya na may hashtag na #LoveToLaugh.

Anyways, hindi man magkasama sina Alden Richards at Maine Mendoza ngayong Valentine’s Day, advance naman ang celebration nila kahapon sa Eat Bulaga dahil pinayagan sila ni Lola Nidora (Wally Bayola) na mag-road trip na sila lamang dalawa ang magkasama.  Sinundo ni Alden si Maine sa bahay ng mga lola sa barangay, hiniram daw lamang niya ang Porsche na sinakyan nila na si Alden ang nagmaneho papuntang Tagaytay. 

Sinubaybayan ng Dabarkads sa Broadway studio ang pag-travel ng da­la­wa na may kasamang kulitan at kantahan habang nagda-drive si Alden.  Sa Tagaytay Vista Hotel sila tumuloy.

Mainit man ang araw, super lamig daw naman sa lugar kaya tamang-tama ang nilagang bulalo na pinagsaluhan nila.  After lunch, nag-duet ang dalawa ng Ako’y sa ‘yo at ika’y akin lang.  Muling nakanakaw ng halik sa cheek si Alden.  Pero mukhang nasa mood o nagpapaalis ng nerbyos si Maine dahil may sorpresa raw siya kay Alden.  Hindi pa raw siya ready pero kailangan na niyang gawin.  Umalis sandali si Maine para kunin ang sorpresa niya kay Alden, sabi ni Joey de Leon sa studio, doon na raw magkakaalaman.

Ang Valentine gift ni Maine ay 2016 calendar ng Walt Disney na siya ang nasa month of February as Elsa sa Frozen, plus isang letter na siya raw ang sumulat. Inihayag na niya ang totoo niyang damdamin kay Alden na tahimik na nakikinig sa mga sinabi ni Maine, at may times na nagiging emotional siya. 

Pagkatapos ay nilapitan siya ni Alden at mahigpit na niyakap. Tanong ni Allan K, kalyeserye pa ba iyon? At si Lola Nidora, kung aktingan pa rin ba iyon at tinawag na siyang Maine at hindi Divina.  Balak halikan ni Alden si Maine sa lips pero halatang daya at bumusina na.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with