^

Pang Movies

Pelikula na kasali ang isang starlet, minadali?!

Jun Nardo - Pang-masa

Minadali naman yata ang pagtatapos ng isang pelikula kung saan binigyan ng break ng isang starlet upang makapareha ng mas sikat sa kanyang aktor, huh!

Aba, wala pa yatang isang buwan nang mabalita ang pagsasama ng dalawa tapos, heto’t ipalalabas na. Eh, magaling naman ang director na kinuha. Pero magaling man ang isang director kung limitado ang oras at araw ng shooting, ano ang kalalabasan ng produkto?

Mukha naman kasing indie movie ang proyekto. So tipid na sa lahat, sa budget at araw ng shooting, huh! Mababalewala rin ang team up ng dalawang artista pag nagkataon, huh!

Sayang naman! Maine imbitado sa Asian TV Awards!

Nagpahatid ng invitation ang Asian TV Awards 2016 kay Maine Mendoza via@AsianTVAwards. “@mainedcm love to have you at #ATA2016.”

Obviously, amazed din ang namumuno sa ATA sa phenomenon hatid ng AlDub loveteam sa buong mundo. Eh wala pa namang inilabas na nominees ang ATA 2016 na madalas gawin sa Singapore.

Matatandaang nanalo na ang Eat Bulaga sa ATA. Present that time ang halos lahat ng Eat Bulaga Dabarkads led by Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon. Ilang beses na ring nanalo si Michael V. sa acting category. Maging ang GMA Network ay nabigyan na ng recognition ng ATA.

We will see kung pagbibigyan ng management ni Maine ang invitation mula sa Asian TV Awards sa December.

Muntik maunsyami, aktor aarangkada sa pelikula ng dating produ

Muntik nang maharang ang pag-cast ng isang sikat na aktor sa isang pelikula. Pero ipinaglaban siya ng isa sa producers kaya hindi siya napalitan.

Hindi naman nagkamali ang isa sa producers na ipagtanggol ang aktor. Kumita kasi ang movie kung saan isa ang aktor sa mga bida.

Sumakto kasi ang role sa hitsura ng aktor. Eh, malaki rin ang following ng aktor kaya isa rin sa factors ‘yon na kinunsidera ng isa sa producers.

Ngayon nga ay naghahanda na ng bagong movie kung saan muling magbibida ang aktor.  Dahil sa magandang resulta sa takilya ng pelikula, wala nang puwede pang humarang sa potensyal sa takilya ng aktor, huh!

Heart nag-iisip na rin ng ibang negosyo sa pagpipinta

Feeling accomplished si Heart Evangelista nang isuot nina Carla Abellana at Maine Mendoza ang gown sa GMA Thanksgiving Party kamakailan lang.

Gawa ng gown ni Mark Bumgarner at si Heart naman ang nagpinta sa design nito. Taos-puso ang pasasalamat ng asawa ng VP bet na si Sen. Francis Escudero kina Carla at Maine sa pagpili ng disenyo niya.

Dahil sa nangyari, gustong palawakin ni Heart ang negosyo niyang ito. Maglalabas na rin siya ng bags at iba pang produkto kung saan hand painted ang designs na nakapinta rito.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with