^

Pang Movies

John Lloyd playboy na playboy na ang image

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ano bang drama ni John Lloyd Cruz? Papalit-palit siya ng babae. Balitang-balita kasing hiwalay na sila ni Angelica Panganiban at ngayon ay si Bea Alonzo naman daw ang kanyang bagong girlfriend.

Ano ‘to? Gusto ba niyang palabasin sa mga tagahanga niya na playboy siya?!

Marami tuloy ang humuhula na ‘pag hindi nagtagal si John Lloyd kay Bea ay sa isang non-showbiz girl naman siya mapupunta.

Mga artistang mAY sex video, ibinibenta na parang isda

May mga nagtatanong, ngayong usung-uso raw ang mga sex video ng mga artista na mostly ay mga kalalakihan, sino raw kaya ang kumikita sa pagpapalabas ng mga ito? Kalat na kalat sa mga kalye maging sa social media ang mga scandal na ito.

Hay, kawawa naman ang mga artistang itinitinda na parang mga isda. Natalbugan pa nila ang mga dating  bold stars noon na sa mga pelikula lang napapanood at minsan lang gawing collectors item ng mga taong “mahihilig”.

Perla masaya sa birthday

Masaya ang aktres na si Perla Bautista, nagsilbing birthday gift niya ang trabahong makasama sa pelikulang Miracles at Forever starring Richard Gutierrez.

Sa February 18, simple lang daw ang birthday niyang gaganapin, basta kung sino lang ang makaalala.      

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with