^

Pang Movies

JM talagang burado na JC sobrang in love kay Jessy

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa tatlo, mukhang si JC ang excited na mag-taping kaagad.

Kasama ni JC sa You’re My Home si Jessy Mendiola na natsitsikang na bagong love ng Kapamilya actor.

Ang tsika ng isang close ni JC, sobrang in love raw ang binata sa ex-girlfriend ni JM de Guzman.

Obvious daw ‘yon.

‘Yung duet daw nina JC at Jessy sa album ng aktor, mismong ang binata raw ang gumawa ng paraan para matuloy.

Si JC daw ang umayos ng lahat-lahat para maka-duet niya si Jessy.

 “What do you expect sa isang taong in love?!” tsika ng isang malapit kay JC.

Si JC na kaya ang ipalit ni Jessy kay JM?

Well…

Papalit sa Kris TV nakaabang na!

My gosh, naiintrigang matsutsugi na raw ang morning show ni Kris Aquino na KrisTV sa ABS-CBN, huh!

Nagsimula ang tsikang ito nang sunud-sunod na replays ang napanood na episodes ng KrisTV.

Iniintriga nga ng iba ang tinaguriang Queen of All Media at ang sabi ay tila nagsasawa na ang viewers na panoorin siya mula Monday hanggang Friday at tig-1 ½ oras pa, ‘noh?!

Pero mukhang hindi naman nagpapatinag sa mga ganyang intriga si Kris dahil ang tsika nga, inayos na raw ng TV host/actress kung anuman ang problema ng kanyang morning talk show.

Last week pa raw nakipag-usap si Kris sa ilang big bosses ng Kapamilya network at kung anuman ang naging problema niya at ng KrisTV ay ayos na raw.

Ang tsika pa nga, plantsado na ang bagong daily show ni Kris sa Kapamilya network.

Araw-araw pa rin daw mapapanood si Kris, pero ibang show na raw.

Hindi na rin daw KrisTV ang title at bagong concept daw ‘yon na approved mismo ni Kris.

Next week na nga raw magsisimulang mag-taping ang bagong talk show ni Kris, kaya safe to assume ba na hanggang sa February 19 na lang ang KrisTV?

Posible!

You’re My… walang extension

Dahil kumakandidatong alkalde ng Ormoc si Richard Gomez, imposibleng magkaroon ng extension ang You’re My Home teleserye ng ABS-CBN.

Importante kasi ang character na ginagamapanan ni Goma sa teleseryeng ‘yon at hindi maganda kung mawawala siya sa istorya dahil sa kampanya.

So, tatapusin na lang ang You’re My Home bago magsimula ang kampanya para sa local elections.

Paulo, Maja, at JC, may isang araw na bakasyon sa US

Nasa California ngayon sina Paulo Avelino, Maja Salvador at JC de Vera para sa two-night show nila sa Cache Creek Casino.

Noong Thursday sila umalis at sa Tuesday ay balik-‘Pinas na sila dahil pare-pareho silang may mga taping.

Si Paulo ay may On The Wings Of Love kung saan ay ka-triangle siya nina James Reid at Nadine Lustre, si Maja ay may Ang Probinsyano with Coco Martin at si JC ay may You’re My Home.

Bale isang araw lang ang pahinga nila at puwedeng gugulin sa pamamasyal at pagsa-shopping.

Kagabi at ngayon ang show nila at bukas ang free day nila at sa Monday night ang alis nila ng San Francisco pabalik ng Maynila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with