^

Pang Movies

May iba nang gusto? Maine hindi pa handang mahalin si Alden, BFF lang ang turing

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Masayang-malungkot ang 30th weeksary nina Alden Richards at Maine Mendoza noong Thursday dahil nang matapos basahin ni Alden ang tulang handog niya kay Maine ay tinanong sila ni Lola Nidora (Wally Bayola) kung handa na silang umibig?  Unang sumagot si Alden na, ‘opo, matagal na, lola,” pero nang si Maine ang tanungin ay napaiyak at tumingin lamang siya kay Alden at iniwan niya sa harap ng fans sa studio.  Sinun­dan siya ni Alden pero hindi na narinig ang pag-uusap nila dahil wala na silang audio.

Kahapon sa kalyeserye, ipinaliwanag ni Maine na nabigla siya sa tanong ni lola kaya nag-sorry naman siya kay Alden.  Si Alden, hindi raw naman niya ipi-pressure si Maine kung kailan siya sasagutin, maghihintay daw siya sa tamang panahon.  Muling tinanong ni Alden si lola kung payag itong hayaan silang mag-road trip na dalawa ni Maine ngayong Saturday, bilang pagsi-celebrate nila for the first time ng Valentine’s Day. 

Pumayag si lola dahil pagkakataon na raw na magkasama nang matagal ang dalawa, biro pa niya, sa shooting at taping, sandali lamang silang magkasama na madalas pa ay inaantok sila pareho.  Saan kaya pupunta ang mag-bff? 

Young actor ayaw ng endorsement na hindi kasama ang ka-loveteam

Sayang naman ang opportunity ng isang young actor na kinukuha sanang solo endorser ng isang product.  Hindi kasi tinanggap ng kanyang producer ang offer at ang gusto nito ay kasama ang ka-love team niya. 

Umatras daw ang agency dahil ang gusto lamang nila talaga ay ang young actor, ikinainis pa nila, bukod sa gusto ng producer na kasama ang ka-love team, gusto niyang isama rin ang ibang artista ng production para magkaroon din ng endorsement.  Say ng friend namin na contact ng agency, mukhang hindi naman solve ang producer na carry ng young actor na mag-isa siya sa endorsement. Biro pa ng friend namin, iba pa rin daw sina Alden Richards at Maine Mendoza, no problem kung solo-solo sila ng endorsement.

Mel Tiangco nagpasalamat sa kikitain ng One Heart

Si Ms. Mel Tiangco ang special guest sa launch ng all-star charity album na One Heart mula sa GMA Records.  Biro niya, hindi raw siya singer pero naroon siya para magpasalamat sa lahat ng GMA Artist Center talents na nagbigay ng libreng oras para makabuo ng isang makabuluhang album na ang part ng proceeds ay ibibigay sa GMA Kapuso Foundation, Inc. na siya ang namamahala.

“Ang inyong donasyon ang gagamitin naman namin para matulungan ang mga maysakit na araw-araw ay pumupunta sa ating opisina para humingi ng tulong.  Salamat sa inyong mga ginintuang puso,” sabi ni Ms. Mel.

Bukod sa carrier single na Sa Puso Mo, ang ilan pa sa tracks ng album ay ang Tonight, Para Lang Sa’yo, Panahon, You Are Never Alone, at Broken.  Bukas, Valentine’s Day, ilo-launch ang album na nagkaroon na ng pre-selling ng digital album sa iTunes noong Linggo, February 7.  Buy na kayo ng album at makatutulong pa kayo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with