^

Pang Movies

Pag-ibig na hindi nasuklian, nasa Magpakailanman

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tunghayan ngayong Sabado (February 13) sa Magpakailanman ang isang kuwento ng pag-iibigang nauwi sa pagkamuhi, paghihiganti at kalunus-lunos na trahedya.

Itinatampok sina Rafael Rosell, Andrea Torres, Mike Tan, Sue Prado, Abel Estanislao at Jana Trias.

Tutol ang nanay ni Rhoda na si Mabel sa relasyon ng anak sa kababata nitong si Emil dahil tulad nila ay hindi rin nabiyayaan ng kaginhawaan sa buhay si Emil. Para mailayo kay Emil, hindi tumanggi si Mabel nang mag-alok ng kasal ang isa pang manliligaw ni Rhoda na si Wendel, kapalit na rin ng pagbura ng lahat ng pagkakautang nila sa pamilya ng lalaki.

Unti-unti ay minahal na rin siya ni Rhoda at nabiyayaan sila ng tatlong mabubuting anak.

Walong taon matapos ang masalimuot na paghihiwalay nina Emil at Rhoda, na napalitan na ng walang kasing-sayang pagsasama nina Rhoda at Wendel, nagbalik si Emil. 

Binulabog nito ang puso, pamilya at buhay ni Rhoda. Akala ni Rhoda ay may nararamdaman pa rin siya para kay Emil. Dahil dito, inakala ni Emil na may pag-asa pang magkabalikan sila ni Rhoda. Pero dahil nanaig ang pagmamahal kay Wendel at sa pamilya, itinaboy ni Rhoda si Emil. Ano ang magiging kapalit ng pagtanggi ni Rhoda sa noo’y nag-aalab na pag-ibig ni Emil?

Mula sa direksyon ni Conrado Peru, huwag palampasin ang Magpakailanman: When Love Becomes Obsession nga­yong Sabado ng gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with