^

Pang Movies

Toni buntis na raw, ginagawang serye hindi na itutuloy?!

Jun Lalin - Pang-masa

Buntis na raw si Toni Gonzaga sa first baby nila ng mister na si Paul Soriano.

Kahapon kumalat ang tungkol sa balitang ‘yon.

Kahapon din ay panay ang tawag ko sa nanay ni Toni, si Mommy Pinty Gonzaga, na siya ring manager ng actress/TV host/singer, pero hindi sumagot si Mommy Pinty sa tawag ko.

Nag-text din ako sa kanya, pero as of 4:15p.m. ay wala pa rin siyang sagot.

Nangangahulugan kaya na ang pagiging tahimik ni Mommy Pinty ay kumpirmadong buntis na nga si Toni?

Anyway, nataranta naman ang ibang cast members ng Written In Our Stars sa tsikang shelved muna ang kanilang teleserye dahil sa pagbubuntis ni Toni.

Medyo marami na silang nai-tape na episodes ng Written In Our Stars, kaya ang dalangin ng karamihan sa cast ng show na huwag namang ma-shelve ‘yon.

Sana ay magawan sa istorya ang tungkol sa pagbubuntis ni Toni o kung iiwanan man niya ang nasabing show.

Samantala, pati pala sa mga kasamahan sa show ay hindi pa rin kinukumpirma ni Toni ang tungkol sa balitang buntis na siya.

Siya nga pala, bukas ang pilot episode ng I Love OPM kung saan ay isa sa tatlong judges si Toni kasama sina Martin Nievera at Lani Misalucha.

Loveteam nina Derek at Kiray, bumenta

Kahapon ay tinawagan ko si Mother Lily Monteverde para kumustahin ang box-office standing ng pelikula niyang Love Is Blind na pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Kiray Celis, Kean Cipriano at Solenn Heussaff.

Nagbukas sa mga sinehan ang nasabing pelikula noong Wednesday at ayon kay Mother Lily she’s happy sa kinita sa takilya ng Love Is Blind.

Samantala, nang tanungin ko si Mother Lily tungkol sa katapat ng pelikula niya, ang Girlfriend For Hire ng Viva Films at launching movie ng loveteam nina Andre Paras at Yassi Pressman ay sinabi niyang ayaw niyang magsalita tungkol doon dahil hindi naman niya ‘yon pelikula.

Mas naka-focus daw si Mother Lily sa Love Is Blind.

Bayani malaki ang pasasalamat na nakabalik sa kapamilya

Mamaya na ang finale episode ng Pangako Sa ‘Yo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kasama sa cast ng PSY si Bayani Agbayani. Matagal ding nawala sa ABS-CBN si Bayani, pero nakabalik nga siya sa nasabing TV network sa pamamagitan ng PSY.

Dapat ay may comedy show si Bayani sa Dos, pero ang natuloy sa kanya ay ang PSY.

Malaki ang pasasalamat ni Bayani na natanggap uli siya sa Kapamilya network kahit lumipat siya noon sa TV5.

Sabi ng comedian, kahit naman daw nag-ober da bakod siya sa TV5 noon, hindi naman niya sinira ang pinagsamahan nila ng mga taga-Kapamilya network.

Wala raw siyang naging away sa mga taga-ABS-CBN, kaya naman naging madali ang pagbabalik niya roon.

Never daw siyang nag-burn ng bridge at kahit sa GMA 7, maganda rin daw ang pag-alis niya noon at marami sa mga taga-Kapuso network ay mga kaibigan pa rin niya.

Pati ang mga nakatrabaho niya raw noon sa TV5 ay mga kaibigan pa rin niya ngayon.

Sabi pa ni Bayani, mawawala ang isang artista, pero ang TV network ay mananatili, kaya hindi raw talaga dapat mawalan ng utang na loob ang isang artista sa mga TV network na nagbigay at nagbibigay sa kanila ng trabaho!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with