^

Pang Movies

Male celebrity inilaglag ng mga taong dating atat sa kanya

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nadi-depress ang male celebrity na ito dahil pakiramdam niya ay hindi na siya paborito ng mga taong dati ay atat na atat sa kanya.

Inalis daw siya sa isang show na dapat ay isa siya sa mga bida, Ang rason daw nang kanyang pagkakatanggal ay dahil hindi raw siya feel ng staff ng show.

Hindi naman daw maintindihan ng male celebrity kung bakit hindi siya gusto ng staff dahil since nag-start daw siya, wala siyang naririnig na may nagrereklamo sa kanya at kasundo naman daw niya ang lahat ng tao sa set.

Nalaman na nga lang ng male celebrity na may ibang pinasok na aktor sa show at kailangan siya ang tanggalin. Ginawa na lang daw rason na hindi siya feel ng staff na hindi naman pala totoo.

Sumama ang loob ng male celebrity sa ginawa sa kanya pero may kumausap sa kanya na isa sa mga staff ng show at sinabing wala silang kinalaman sa pagkawala niya sa show.

Nagulat din daw sila nang bigla silang pagsabihan na tatanggalin na siya at ipapalit ang isang bagong aktor dahil mas bago at fresh ito. Palalabasin na lang nilang hate ng staff ang pinaalis na male celebrity.

Hindi nga raw fair ang ginawa sa male celebrity dahil nag-effort ito ng husto sa kanyang trabaho. Pero dahil malakas ang kapit ng bagong aktor na pumalit sa kanya, wala na silang magawa kundi ang sumunod.

Komedyanteng si Teri Onor, mas maligaya na sa pulitika

Muling tatakbo ang dating komedyante at Nora Aunor impersonator na si Teri Onor bilang board member sa lalawigan ng Bataan.

Pinasok ni Teri, na ang tunay na pangalan ay Dexter Dominguez, ang mundo ng politics noong 2007 at manalo siya bilang vice mayor ng Abucay, Bataan.

Naihalal naman siya bilang board member noong 2010 at 2013.

 “Tatakbo po ulit tayo para sa third term as board member,” sey pa ni Teri.

 “Okey naman po ang buhay natin sa mundo ng pulitika. Hindi ko akalain na magugustuhan ko ito. Sa ngayon ay tahimik po ang buhay natin at abala naman tayo sa pagiging isang public servant.”

Dahil sa politics ay tinalikuran ni Teri ang pagi­ging full-time comedian sa TV at pelikula. Pati ang kanyang pagiging host ng Eat Bulaga ay iniwan niya dahil sa pagpasok niya sa pulitika.

Huling show ni Teri ay ang Inday Wanda ng TV5 noong 2010.

“Wala namang regrets na pinili ko ang pagiging public servant. Kung noong artista tayo, may mga natutulungan tayo. Ngayon at nasa posisyon tayo, mas marami tayong natutulungan. Kilala pa rin naman nila ako bilang Teri Onor. Inaaliw ko pa rin naman sila paminsan-minsan kapag may mga fund-raising events kami sa Bataan.

“Kahit paano ay nandito pa rin sa puso ko ang pagiging performer,” ngiti pa niya.

Frozen, lalarga sa Broadway

Confirmed na heading for Broadway na ang hit Disney animation na Frozen.

Magbubukas ang musical adaptation ng Frozen outside of New York in August 2017 and then hit Broadway in spring 2018.

Magkakaroon din ito ng TV special sa ABC network in December 2017.

 “As you know, a sequel of Frozen is in the works.

 “In the meantime Disney Animation is creating the first ever Frozen television special, which will air on ABC during the 2017 holiday season, and in the tradition of Lion King and Aladdin, we have a new Frozen musical slated for Broadway in 2018,” ayon pa sa isang Disney insider.

Naging most successful animated film in history ang Frozen noong i-release ito noong November 2013. Kumita ito ng higit kumulang na $1.27 billion ayon sa Box-Office Mojo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with