^

Pang Movies

AiAi pumiyok sa away nila ni Maine

Jun Nardo - Pang-masa

Pinaligaya nang husto ni AiAi delas Alas ang ilang grupo ng fans na super loyal sa kanya. Nagsagawa ng Fans’ Day ang Comedy Queen sa Zirkoh Tomas Morato kasama ang anak niyang si Sancho.

Nagkaroon ng misa, then salu-salo at parlor games na nilahukan ng fans ni Ai. May giveaways din siyang maliit na pillow at Magic Sarap. Non-stop ang pagpirma ni AiAi ng autograph at picture taking pero wala siyang reklamo.

Payo niya sa fans niya, pag hindi na siya masyadong active sa showbiz, suportahan naman nila ang anak. Natawa siya nang bansagan si Sancho bilang Ang Pambansang Bay-Bi Boy!

Sinamantala na rin ni AiAi ang okasyon upang sabihin na wala silang away ni Maine Mendoza.

“Huwag po ninyong paniwalaan ‘yon. Pinag-aaway kami ni Maine pero walang katotohanan na merong kaming pinagkagalitan. Maayos ang samahan namin,” saad ni AiAi.

After ng salu-salo, nagbigay pa ng ilang minuto si AiAi upang magkaroon ng group pictorial sa fans na walang sawa pa ring sumusuporta sa kanya.

Martin umamin na sa picture na hubo’t hubad

Ang nude picture ni Martin del Rosario ang la­test na kumalat sa social media last Tuesday. Kung ‘yung diumano’y sex video niya na unang naglabasan ay kanyang idininay, this time inamin ng aktor sa interview sa kanya sa PEP na picture niya ang lumabas.

Ayon pa sa Kapuso actor, hindi nga lang niya matandaan ‘yung picture niyang ‘yon. Pero kinumpirma niyang siya nga ‘yung nasa litrato. Next time raw, mas magiging maingat na siya.

At least, marami ang humanga sa pag-amin ni Martin sa hubad niyang larawan. Wala siyang keber dahil hindi naman siya ang naglabas nito, huh!

Mapapayapa na ang mga bading dahil umamin na si Martin. For sure, hinangaan nila ang lakas ng loob ng aktor tulad ng paghanga nila sa kargada nito, huh! He! He! He!

Natakot kay Robin? Julian Trono idinenay si Kylie!

Bigo ang showbiz press na makumpirma kay Julian Trono na may relasyon na sila ni Kylie Padilla.  Nakausap ang Kapuso actor sa launching ng charity album na One Heart under GMA Records na available na sa Valentine’s Day. Isa siya sa GMA artists na bahagi ng makabuluhang proyekto na ang beneficiary ay ang GMA Kapuso Foundation.

Sa unang bahagi ng interview kay Julian, petik-petik siya sa mga sagot na wari’y umiiwas. Ipinakita sa kanya ang picture nila ni Kylie pero tugon niya, “Hindi naman po kami (ni Kylie)!”

Siya raw ang nagbigay ng dinner nu’ng surprise birthday celeb ni Kylie, huh!

“Ahhh, opo! Surprise ‘yon,” rason niya.

Hindi raw niya alam kung bakit may tsismis na sila na ni Kylie eh hindi naman daw siya nanliligaw.

“Wala. Sobrang close lang kami. Kasi she’s into writing. Sa filmmaking naman ako. Feeling ko doon lang kami naging close pero mas nag-focus sa art itself. Eh, alam mo naman ang tao, binibigyan lahat ng kahulugan. Magkadikit lang kayo, ‘Uy, may ginagawa na sila!’ Dating. Ganoon ba ‘yon?” katwiran ng teen actor.

“Magsasabi naman ako kung meron!” dagdag ni Julian.

Kasama rin si Kylie sa GMA album pero magkahiwalay sila ng kanta. Bukod kina Julian at Kylie, ang ilan pang GMA artists na bahagi ng album ay sina Glaiza de Castro, Yasmien Kurdi, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, Ruru Madrid, Betong Sumaya, Gabbi Garcia, Maricris Garcia, Rita Da­niela, James Wright at marami pang iba.

Ang carrier single ay ang Sa Puso Mo na inspirational ballad song na sinulat at arranged ng Korean composer na si Kim Hyun Jik na kinanta ng lahat sa album.

Present sa album launch ang GMA Kapuso Foundation President na si Mel Tiangco.

 

                                                           

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with