^

Pang Movies

Walang kupas sa iyakan: Akting ni Claudine pinuri pati ni MVP; Diether hindi maigalaw ang mukha!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Pinatunayan ni Claudine Barretto that she’s still one damn hell of a good actress sa pilot episode ng bago niyang serye sa TV5, ang Bakit Manipis ang Ulap.

Dalawang beses pinalakpakan ng audience ang acting ni Claudine sa one-hour pilot episode – ang isa ay ang wedding scene ni Bernard Palanca na gumaganap na boyfriend niya pero sa iba nagpakasal at ang isa naman ay sa crying scene niya with Diether Ocampo sa bar.

Sa wedding scene ay umiiyak na naglitanya si Claudine sa harap ng maraming tao at ramdam na ramdam mo talaga sa kanya ang sakit ng isang babaeng ipinagpalit at niloko ng boyfriend.

Ganundin naman sa kanyang crying scene with Diet kung saan ay sinasabi niya kung gaano kasakit ang kanyang nararamdaman nang mga sandaling iyon. Nilamon niya talaga nang buung-buo ang kanyang kaeksena.

Panalo ang pilot episode sa kalidad at ganda ng acting ng cast, at sa pagkakadirihe ni Joel Lama­ngan. Hindi tinipid at halatang ginastusan ang serye dahil nag-location talaga sila sa beach at may helicopter scene pa.

First episode pa lang ay nagpatikim na ng maiinit na eksena sina Diet at Meg Imperial sa kanilang love scene. Wala ring kiyeme ang sexy actress sa pagpapakita ng kanyang katawan sa kanyang two-piece swimsuit.

Mabilis ang pacing at hitik na hitik sa magagan­dang eksena ang isang oras na preview na ma­pa­pa­nood ng limang gabi simula sa Lunes, February 15. After the screening nga ay humihiling pa ang marami ng “more” at gusto nang mapanood ang kasunod.

Nagtaka lang ang marami sa acting na ipinakita ni Diet dahil parang hindi siya. Nasaan na ang aktor na dating magaling umarte? Bakit parang hindi siya makaarte nang tama sa kanyang mga eksena?

Bakit parang ang stiff-stiff niya? Bakit pati boses niya ay iba at parang hindi niya maigalaw ang mukha niya? Ang tanong nga ng lahat ay kung nagpa-botox ba ang aktor.

Anyway, masayang-masaya si Claudine sa lahat ng positive feedbacks sa pilot episode. Maging ang TV5 chairman na si Manny V. Pa­ngilinan na nanood din ay nagsabing magaling ang aktres.

Sa kanyang Instagram account ay nagpasalamat si Claudine sa kanyang magulang na apparently ay naroroon din nang gabing iyon.

Sa kanyang text message sa kanyang inang si Inday Barretto ay nakasaad na “Goodnight mommy ko. Thank u Mom for watching earlier. I promise to make you and Dad proud of me everyday. I just wanna let you know how much you mean to me. I thank God for u and Dad. I luv u so much. Thank u for being my Rock that pushes me to be a better actress and idol to my fans who I luv so much. For teaching me to be a better mother, friend, sister and aunt while I’m still trying to be a good daughter. I appreciate u so much mom. I luv u so much.”

Sa Feb. 15 na ipalalabas sa primetime slot (9pm) ng TV5 ang Bakit Manipis ang Ulap at mapapanood ito weeknights.

SGP may pagkakapareha kay Panday

Masaya si Sen. Grace Poe sa muling pagbuhay ng TV5 sa Ang Panday na unang ginampanan ng kanyang namayapang amang si Da King Fernando Poe, Jr.

Si Grace pa mismo ang nag-promote ng nasabing teleserye na pagbibidahan ni Richard Gutierrez sa Kapatid network.

“Ay, nga pala po. Sa lahat po ng mga nakikinig na mga taxi driver natin. Mayroong te­leserye din ang TV5 na Panday,” sabi ni Grace sa gitna ng isang panayam sa programa ni Martin Andanar and Erwin Tulfo sa Radyo Singko nitong Lunes (Peb. 8).

Isa ring “foundling” o “pulot” si Flavio kagaya ni Grace, ayon kay Komiks King Carlo J. Caparas, na siyang lumikha ng karakter na pinasikat ni Da King.

“It’s mere coincidence that it was Grace’s dad FPJ who helped immortalize Panday which he portrayed in four movies that were Metro Filmfest top gros­ser,” sey ni Direk Carlo.

“Marami akong paboritong pelikula ni FPJ pero siguro ang tumatak na rin sa isip ng marami sa akin din, yung Panday. Kasi talagang noong ginawa niya yon, kakaiba ‘yun ng mga panahon na iyon at kahit ngayon lalo na yung fully restored na Panday,” sey ni Grace.

Maliban sa Ang Panday, paborito rin ni Grace ang Isang Bala Ka Lang, Kapag Puno na ang Salop, at Muslim 357.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with