^

Pang Movies

Derek tanggap ang pagiging Panday ni Richard

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isa si Derek Ramsay sa mga taga-TV5 na nag-congratulate sa bagong fantaserye ng TV network, ang Ang Panday na magsisimula nang umere sa February 29.

On-going pa lang daw ang presscon ng biggest show ng TV5 ay nag-post na si Derek sa kanyang Instagram account (@ramsayderek11) ng picture nina Richard Gutierrez, Jasmine Curtis Smith at Christopher de Leon na may caption na, “Congratulations to my little sister @jascurtissmith and @richardgutz for their new show Panday on tv5. I’m sure this will be a hit!”

Siyempre pa, ikinatuwa ‘yon ng fans ng pinakabagong Panday.

Actually, hindi lang si Derek, kundi pati ibang mga taga-TV5 ay tuwang-tuwa na nasa kanila na ang Ang Panday at pati si Richard.

Hindi biro ang pagpoprodyus ng Ang Panday at talagang napakalaki ng gastos dito ng TV network na pag-aari ng businessman na si Mr. Manny V. Pangilinan at pinamamahalaan nina Mr. Noel Lorenzana at Boss Vic del Rosario.

Umaasa nga ang TV5 management na susubaybayan ito ng fans na mahihilig sa fantaserye at pati ng fans ni Richard na matagal-tagal na rin siyang na-miss sa telebisyon at siyempre, pati ang fans ng Ang Panday creator na si Direk Carlo J. Caparas.

Bangs pahinga muna sa pagiging Kapamilya

Madalas napapanood sa ABS-CBN shows si Bangs Garcia, pero dahil isa siyang talent ng Viva Artists Agency, kung saan siya ilagay ng kanyang management team ay okay lang sa kanya.

Kasama si Bangs sa Ang Panday bilang isa sa tatlong leading ladies ni Richard.

Sobrang proud si Bangs sa bago niyang fantaserye at naniniwalang malaki ang maitutulong ng proyektong ‘yon para lalong umangat ang kanyang career.

Malaki nga raw ang pasasalamat niya kay Boss Vic at binigyan siya ng ganitong trabaho.

Aware na aware si Bangs na maraming gustong mapasama sa proyektong ‘yon na idinederehe ni Mac Alejandre.

Ciara palaban sa babae ng mister!

Marami pala ang nagtse-check sa Twitter account ni Ciara Sotto (@ciara_anna) dahil sa mga twini-tweet niya.

Kamakailan lang kasi ay may twineet siya, “A friendly reminder… God is not going to bless you with someone else’s husband.”

Obviously, patama ‘yon sa sinasabing other woman daw sa pagitan nila ng kanyang mister.

Palaban si Ciara. Hindi man niya tuluyang pinapangalanan ang natsi­tsikang other woman ng kanyang mister, may mga patama naman siya   na ikinabibilib sa kanya ng fans.

At least daw, hindi basta pa-martyr si Ciara!

Royals general admission na lang ang natitira

Ang pahayag ng producers ng Royals nina Martin Nievera, Erik Santos, Angeline Quinto at Regine Velasquez-Alcasid na almost sold-out na ang tickets ng kanilang February 13 concert sa MOA Arena.

Ayon kina Anna Puno at Cacai Velasquez-Mitra, wala na silang maibebentang VIP, Patron, Lower Box tickets. Hindi pa nga sila sure kung may upper box tickets pa ba, pero ang sigurado, may mangilan-ngilang general admission tickets pa na mabibili.

Malaki nga ang pasasalamat nila na almost sold-out na sila.

May iba nga na gustong mapanood ang Royals na lilipat pa sa Cebu City para sa kanilang February 14 show sa Waterfront Hotel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with