^

Pang Movies

Renz at Kris plantsado na ang date sa Valentine!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mukhang seryoso na talaga si Renz Fernandez sa panliligaw niya sa bida ng teleserye na Little Nanay na si Kris Bernal.

Noong nakaraang December 2015 ay inamin ni Renz na balak niyang ligawan si Kris. Hindi pa muna naniwala ang aktres hanggang sa unti-unti ay naramdaman na niya ang pagiging seryoso ni Renz sa panliligaw.

Unang nagkatrabaho sina Renz at Kris sa teleserye na Prinsesa Ng Buhay Ko noong 2013.

“Mambobola effect din ‘yung si Renz, eh. Pero, hindi, this time seryoso na talaga siya.

“Hindi ko alam paano ko ite-take kasi nasanay din ako na binobola niya lang ako,” tawa pa ni Kris.

Pinadalhan ni Renz si Kris ng isang dosenang pink roses sa kanilang bahay.

Kuwento pa ng aktres na parating may binibigay na regalo sa kanya si Renz at pinapadala nito sa ta­ping nila.

“Nagpapadala si Renz sa bahay ng flowers tapos every taping may regalo siya sa akin. One time binig­yan niya ako ng ice cream. Alam mo ‘yun, even little things meron ako,” ngiti pa ni Kris.

Sila kaya ang magka-date sa Valentine’s Day on February 14?

“Tinanong na nga niya ako. Sabi ko, ‘ah, pag may time sige, ikaw ie-entertain ko kasi ikaw unang nagtanong sa akin.

“Jusko! Parang January palang yata nagtanong na siya  kung puwede na ako maging date.

“Na-appreciate ko ang effort ni Renz kaya walang problema kung kami man ang magka-date sa Valentine’s Day,” pagtapos pa ni Kris Bernal.

Huling nakarelasyon ni Kris ay si Carl Guevarra, samantalang huling girlfriend ni Renz ay si Maxene Magalona.

Matet tinuturuan makisama si Barbie

Dinalaw na raw ni Matet de Leon ang kanyang Mommy Guy (Nora Aunor) sa taping nito ng Little Nanay.

Matagal din kasing hindi nagkausap o nagkita ang mag-ina kaya noong magkaroon ng libreng panahon si Matet, pinuntahan niya ang kanyang Mama Guy sa taping at dala niya ang mga anak niya para magmano sa kanilang lola.

“Ayun, tuwang-tuwa siya sa mga apo niya. Nag-bonding kaming lahat. Masaya ang nangyari dahil nagkita na ulit kami,” ngiti pa ni Matet.

Busy si Matet sa teleserye na That’s My Amboy bilang yaya ni Andre Paras.

Dahil nakatatanda si Matet sa kanyang mga co-stars sa naturang teleserye, nagbibigay siya ng advices lalo na sa partner ni Andre na si Barbie Forteza.

Bilang dating child actress, nakaka-relate si Matet sa mga pinagdaraanan ngayon ni Barbie.

“Ang advice ko sa mga baguhan naming makakasama is mahalin nila ‘yung trabaho, maging professional, at saka makisama ng maayos sa lahat.

“Nagsimula ako sa showbiz na batang-bata talaga ako. Hanggang sa maging teen actress ako at hanggang ngayon nandito pa rin tayo.

“Importante ang pagiging professional at ang pakikisama ng maayos sa maraming tao,” pagtapos pa ni Matet de Leon.

Madonna pina-iimbestigahan ang sariling anak sa London

Nag-hire ng isang private investigator ang singer na si Madonna para malaman niya ang mga nangyayari sa kanyang anak na si Rocco na nasa London kasama ang ama nitong si Guy Ritchie.

Sa naging custody battle ng da­ting mag-asawa, kay Madonna binigay ng korte si Rocco. Pero noong magbakasyon ang 15-year old son nito sa London para bisitahin ang kanyang ama, ayaw na nitong bumalik sa U.S. kahit na may court order na ibalik siya ng kanyang ama sa kanyang ina.

Ang kinakatakot ni Madonna ay walang rules na binigay ang ama nito sa kanilang anak. Nalaman pa ng singer na hindi naka-enroll sa school ang kanyang anak at parati raw nakatambay sa skate parks at naninigarilyo pa.

Pinapabayaan lang daw ito ng kayang ama na siyang ikinagagalit ni Madonna kaya gusto niyang bumalik na si Rocco sa Amerika.

Kaya nag-file si Madonna ng panibagong custody case sa New York para maibalik sa kanyang si Rocco.

Naka-set na magharap ang ex-couple sa New York in March.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with